Kinilala ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa matagumpay na pagdedebelop ng Philippine Rice Information System o PRiSM — ang kauna-unahang satellite-based rice monitoring system sa Timog-Silangang Asya.  Ang PRiSM ay gumagamit ng satellite data, remote sensing, at Geographic Information Systems (GIS) upang matukoy ang aktwal na lawak ng taniman ng palay, inaasahang ani, pinsala mula sa baha o tagtuyot, at maging ang paglaganap ng peste at sakit.  Dahil […]

Categories: Broadcast Releases

Umabot sa 2.5 milyong sako ng certified inbred seeds ang maagap na naihatid sa ating mga ka-Palay sa buong bansa ngayong wet season ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Seed Program. Nasa 94% naman ang timeliness rate o pagkakahatid sa tamang oras ng nasabing mga binhi ayon sa iskedyul na  pangangailangan ng mga lokal ng pamahalaan. Hudyat ito na naipadala ang binhi sa mga magsasaka sa tamang oras. Ayon […]

Categories: Broadcast Releases

Mas magiging masustansiya pa ang kanin na paborito nating mga Pinoy!  Sa kauna-unahang pagkakataon, naitanim at inani na sa Negros Occidental ang dalawang barayti ng palay na may mataas na zinc. Ito ang NSIC Rc 460 at NSIC Rc 648.  Taglay ng mga ito ang hanggang 20.4 mg ng zinc kada kilo ng bigas, mas mataas kumpara sa karaniwang bigas na may 13–16 mg lamang.  Bukod sa nutrisyon, pasado rin […]

Categories: Broadcast Releases

Upang makapagbigay ng makakalikasan at mas ligtas na solusyon sa pamamahala  ng damo sa palayan, sinimulan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang field testing ng isang robotic technology mula Japan na kung tawagin ay Aigamorobo.  Ginagaya  ng Aigamorobo na gawa ng Green Company  ang natural na pagkilos ng aigamo o mga pato na  na ginagamit sa Japan sa pagsugpo ng damo.   Bilang solar-powered robot, otomatiko itong nag-iikot sa palayan […]

Categories: Broadcast Releases

Ang yogurt na karaniwan nating kinakain ay kilala bilang magandang pinagkukunan ng bitamina, protina, at good microorganisms na tumutulong sa ating kalusugan. Ngayon, mas pinahusay pa ito!  Sa tulong ng rice bran mula sa red at black rice, ginawang mas masustansya ang yogurt. Ang rice bran ay mayaman sa dietary fiber, minerals, at phytochemicals.  Ang mga sustansyang ito ay nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan katulad ng paglaban sa […]

Categories: Broadcast Releases

Kapag laging lubog sa tubig ang palayan, nawawalan ng oxygen ang lupa, kaya nabubuo at nailalabas  ang methane gas sa himpapawid. Ang methane ay isang uri ng gas na nagpapainit sa mundo na nagdudulot ng global warming o climate change. Sa proyektong sinimulan ng Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) katuwang ang Sagri Company Limited ng Japan at National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) Division 1 Nueva Ecija, […]

Categories: Broadcast Releases

Mas maraming magsasakang Pilipino ang inaasahang makikinabang sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031, matapos amyendahan ang Rice Tariffication Law (RA 11203) sa bisa ng Republic Act 12078. Ang programang ito, na nagsimula noong Setyembre 2019, ay magpapatuloy upang palawigin ang suporta para sa sektor ng pagsasaka ng palay. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ito ay magtitiyak ng mas matibay na suporta para sa mga magsasaka. Sa […]

Categories: Broadcast Releases

Para sa tag-ulan na taniman, inilunsad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program ang proyekto na PalaySikatan 2.0, ito ay mas pinalawak na technology demonstration sa mga piling lugar. Sa PalaySikatan 2.0, ang mga rekomendadong binhi ng inbred na barayti kasama na ang iba pang makabagong teknolohiya sa pagsasaka ay ipapamalas sa mga palayan na may lawak na 50 ektarya kada site. Kada season, ang PalaySikatan 2.0 ay isasagawa […]

Categories: Broadcast Releases

Inanunsyo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Seed Program na magpapamahagi ito nang higit 2.5 milyong sako ng dekalidad na libreng binhi sa mahigit na 1 milyong magsasaka sa 78 na target na probinsya sa bansa ngayong wet season.  Base sa datus nang  Rice Seed Monitoring System, umabot na sa halos 1,170,000 sako ng libreng dekalidad na binhi ang naipamahagi na sa 73 probinsya. Nasa 390,000 dito ang natanggap na ng […]

Categories: Broadcast Releases

Mataas na ani at kita sa mababang gastos na pagpapalayan, ibibida sa Lakbay Palay ng DA-PhilRice, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa Marso 20-21, 2024. Bukod sa pagpapakita ng mga teknolohiya sa pagpapalayan, magkakaroon din ng malayang talakayan sa pagitan ng mga magsasaka at mga eksperto upang masolusyunan ang mga karaniwang problema ng mga magsasaka sa palayan. Ibibida rin ang ilan sa mga natatanging nagawa ng PhilRice bilang tugon […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

DA-PhilRice