Napatunayan ni Benjamin Manual, magsasaka mula sa Pila, Laguna na tumaas ang kanyang ani simula nang matutuhan niya ang tamang pamamahala ng sustansiya sa palayan. Si Mang Benjamin ay isa sa mga kalahok ng Farmer Field School training sa PhilRice Los Baños.  Natutuhan ni Mang Benjamin na kinakailangang tama ang uri, dami, at panahon ng paglalagay ng pataba.  Aniya, mula sa dating 5.5 tonelada kada ektarya ani sa kanilang lugar, […]

Categories: Broadcast Releases

Sa Rice Tariffication Law, mura ang bigas at magsasaka ay pinalakas.  Panalo ang konsyumer ng bigas sa pagpapatupad ng rice tariffication law dahil mas abot-kaya na ang bigas! Kumpara sa presyo noong 2018, bumaba ng mahigit dalawang piso kada kilo ang presyo ng well-milled rice sa merkado.  Maging magsasaka ay panalo rin sa pagpapatupad nito dahil karamihan sa kanila ay bumibili rin ng bigas. Bukod pa dyan, ang P10 bilyong […]

Categories: Broadcast Releases

Ngayong tag-ulan, kadalasang tinatamaan ng sakit na mata-mata o rice blast ang palayan. Kaya naman mainam na malaman kung paano nga ba maiiwasan ang pagkalat nito.  Ipinapayong palaging i-monitor ang bukid upang maging handa sa anumang pagkalat ng sakit. Kailangang kilalaning mabuti ang sakit ng palay upang maisagawa ang tamang pagsugpo. Alamin din ang dahilan ng sakit sa simula pa lamang upang mabawasan o mapuksa ang pinagmumulan nito. Ang palayang […]

Categories: Broadcast Releases

Mainam na ipasuri ang lupa nang matukoy ang kailangang sustansiya nito. Ang palayang may sapat na sustansiya ay nagpapahusay sa paglaki ng palay at pagkamit ng pinakamataas na potensyal na ani ng isang barayti. Malaki rin ang matitipid basta’t tama ang ilalagay na pataba. Siguraduhing sapat ang pataba mula pagsusuwi hanggang bago maglihi hanggang sa maagang pamumulaklak nang masiguro ang magandang pagtubo at pagbuo ng bunga ng halaman. Alamin ang […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, aabot sa walong milyong Pilipino ang pinangangambahan na magkaroon ng diabetes sa taong 2030. Ang pagkain ng sobra-sobrang carbohydrates tulad ng puting kanin ay maaaring magdulot ng mataas na blood sugar. Kaya naman, mainam na haluan ang kanin ng iba pang alternatibong pamalit sa kanin tulad ng corn grits. Kumpara sa kanin, mas mababa ang glycemic index ng mais.  Ang glycemic index ay […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa opisyal na pahayag ng PhilRice, masasabi nating may rice security ang ating bansa kung ang bigas na mahusay ang kalidad at ligtas kainin ay may sapat na supply o available, madaling mabili sa mga suking tindahan o accessible, sa murang halaga o affordable, sa lahat ng panahon. Samantala, sa self-sufficiency, maaring maging available at accessible ang lokal na bigas, pero kung mas mahal naman ito, nawawala ang elemento […]

Categories: Broadcast Releases

Ilulunsad ng DA-PhilRice ngayong Oktubre ang pilot-test ng Binhi e-padala, isang digital voucher system na magpapadali at magpapabilis sa paraan ng pamamahagi ng certified inbred seeds sa mga magsasaka. Ang programang ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF-Seed Program katuwang ang PayMaya Philippines Inc., Nueva Ecija Seed Growers Multipurpose Cooperative, at Development Bank of the Philippines. Kabilang ang Nueva Ecija at Tarlac sa mga probinsyang maglulunsad […]

Categories: Broadcast Releases

Umpisa na nga ang pamimigay ng certified seeds ngayong tag-ulan! Makatatanggap ng libreng dekalidad na binhi ang mga magsasaka sa mga lungsod o bayan na sakop ng programa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund basta’t rehistrado sa Registry System on Basic Sectors in Agriculture o RSBSA. Depende sa laki ng lupang sinasaka ang dami ng binhing matatanggap. Ang isang magsasaka ay maaring makatanggap ng 1 sako na may 20 kilo sa […]

Categories: Broadcast Releases

Nang masigurong tuluy-tuloy ang produksyon ng palay sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at sa iba pang lugar sa Pilipinas, ang DA – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ay magpapatuloy sa pagdedeliber at pamamahagi ng binhi para sa mga magsasakang maagang magtatanim ngayong wet season. Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), makatatanggap ng libreng binhi ang mga magsasakang magtatanim simula sa huling linggo […]

Categories: Broadcast Releases

Kinakailangan na panatilihin ang kalinisan ng mga pilapil, kanal, at paligid ng bukid upang walang mapagtaguan ang mga daga. Dapat din na bawasan o paliitin ang lapad ng pilapil upang hindi ito paglunggaan ng mga daga. Ipinapayo din na buhusan ng magkahalong putik at tubig ang kanilang lungga upang mapamahalaan ito. Kung ang paninira ng daga ay umaabot ng 40% o halos kalahati na ng ating taniman ay mainam gumamit […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute