Sadyang hindi na natin mapipigilan ang pagtaas ng produktong petrolyo tulad ng krudo sa Pilipinas. Ito ay bunsod na rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o mas kilala sa tawag na TRAIN LAW.

Sa pagtaas ng krudo, apektado rin ang ating mga magsasaka na gumagamit ng krudo sa pagpapatakbo ng makinang pambukid.

Kada kilo ng palay, gumagastos ang ating mga magsasaka ng dose hanggang trese pesos. Halos dalawang piso dito ay napupunta na agad sa gastos sa krudo.

Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Mang Joselito Fulgencio na taga Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Imbes na gumastos siya sa krudo ay enerhiya mula sa ipa ang kanyang ginamit sa pagpapatakbo ng kanyang makinang patubig.

Ayon sa kanya, noong una ay nagdadalawang isip pa siya sa imbitasyon ng PhilRice na subukin ang rice husk gasifier. Ang rice husk gasifier ay makinang ginagamit sa pagpapatubig. Ang enerhiya mula sa ipa ang siyang nagpapatakbo nito.

Laking pasalamat ni Mang Joselito na nasa dalawang libong piso na lang ang kanyang nagasta sa kanyang isang ektaryang palayan kumpara sa labinglimang libong piso na nakasanayan nyang gastos sa patubig.

Sa makinang rice husk gasifier, isang sakong ipa lamang ang kailangan upang mapa-andar ng dalawang oras ang makinang ito. Kaya naman, malaki ang tipid ni Mang Joselito

Bukod pa dyan, matapos magamit ang ipa bilang panggatong sa pagpapa-andar ng gasifier, nagagamit pa ang mga inuling na ipa bilang seedbed o ‘di kaya ay pampasigla ng lupa.

Bagamat sinasabing hindi direktang nakatutulong ang paggamit ng makina sa pagtaas ng ani, ito naman ay hamak na mas tipid sa guguguling panahon sa pag-aalaga ng tanim, nakababawas sa gastusin sa pagdadamo, at mas kontrolado ang daloy ng patubig.

Ang rice husk gasifier ay inaasahang ma-commercialize ngayong 2018.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa rice husk gasifier,magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0920 911 1398.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute