Ayon sa opisyal na pahayag ng PhilRice, kailangan pa rin mag-angkat ng bigas kahit walang kakulangan.

Ang nasabing pag-aangkat ay isang pamamaraan upang mapamahalaan ng maayos ang supply at demand ng bigas at maiwasan ang bigla-biglang pagtaas ng presyo nito.

Paglalahad ng PhilRice na may seasonality ang produksyon ng palay. Nasa 23% sa 1st quarter, 21% sa 2nd quarter, 16% sa 3rd quarter, at 40% sa 4th quarter.

Ang dagsa ng ani ay tuwing katapusan ng taon. Sa kabilang banda, hindi naman masyadong nagbabago ang demand kada quarter. Ibig sabihin, bumababa ang level ng stocks lalo na pagdating ng 3rd quarter o yung tinatawag na lean months. Kailangan ay may kumportable level ng stocks pagdating ng 3rd quarter upang maiwasan ang pagtaas ng presyo. Dito importante ang tyempo o timing ng pagdating ng imported na bigas.

Dagdag pa diyan, may pagbabago sa polisiya hinggil sa pandaigdigang kalakalan ng bigas. Wala ng kapangyarihan ang ating pamahalaan na magtakda ng volume ng importasyon o ang tinatawag na quantitative restriction. Ayon sa mga pinirmahan nating pandaigdigang kasunduan sa pakikipagkalakalan, dapat ng palitan ng taripa o buwis ang quantitative restriction. Kaya nga ina-amyendahan ang ating batas upang ito ay maisakatuparan. Ibig sabihin, mas malaya ng makakapasok ang imported na bigas basta mabayaran ang itinakdang taripa para rito.

Ayon sa pag-aaral ng PhilRice, ang halaga ng imported na bigas galing Vietnam (25% broken) ay halos P27/kg pagdating sa ating bansa kasama na ang taripa (35%) nito. At dahil mas mura ang mga imported na bigas kumpara sa lokal na produksyon, maraming mae-engganyo na mag-import dahil sa kanilang kikitain kung maibebenta ito sa kalakarang presyo na P40/kg. Sa kalaunan, kailangang bumaba ang presyo ng ating lokal na bigas upang makapagkumpetensya at maibenta.

Kaya naman, kailangang maging competitive ng ating mga magsasaka at ng buong industriya ng pagbibigas.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice
Text Center bilang 0920 911 1398.

Sinuri ni Dr. Flordeliza H. Bordey, ekonomista at Deputy Executive Director for Research ng PhilRice

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute