Ngayong madalas ang ulan sa ating bansa, ipinapayo ng mga eksperto na tanggalin agad ang sobrang tubig sa palayan pagkatapos ng malakas na ulan. Mainam na kumpunihin ang pilapil at linisin ang mga kanal nang dumaloy nang maayos ang tubig at maiwasan ang pagkalubog sa tubig ng palayan.

Ang palayang laging lubog sa tubig ay madaling atakihin ng peste gaya ng brown planthopper o BPH. Sakali mang makitaan na ng BPH ang palayan, i-drain ang tubig ng 3-5 araw.

Bukod sa BPH, maaari rin tamaan ng sakit ang palayang lubog sa tubig tulad ng bacterial leaf blight, sheath blight, at false smut. Ipinapayong huwag padaluyin ang tubig mula sa palayang nakitaan na ng mga sakit na ito papasok sa ating palayan.

Dagdag pa diyan, nabubulok ang palay kung matagal na nakalubog. Nagiging payat at kakaunti ang mga suwi kaya mas mataas ang posibilidad ng pagdapa ng palay lalo na kung may malalakas na hangin.

Sumasabay din ang pag-atake ng kuhol lalo na kung mahirap o matagal maalis ang tubig at ang palay ay maliliit pa.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute