Sa pagdiriwang ng PhilRice Lakbay Palay 2018, hinimok ni Senator Cynthia Villar ang mga magsasaka na gumamit ng dekalidad na binhi at makabagong makina sa pagsasaka upang mapataas ang kanilang ani.
Ayon kay Villar, mainam na matutunan ng mga magsasaka ang paggamit ng dekalidad na binhi maging ang proseso ng pagbibinhi upang makasiguro na mas mataas ang magiging ani.
Maituturing na dekalidad ang binhi kung ito ay dumaan sa pagsusuri ng Bureau Plant Industry-National Seed Quality Control Services o BPI-NSQCS at kung nanggaling ito sa mga rehistradong seed growers at accredited na pribadong kumpanya.
Dagdag pa ni Villar na ang paggamit ng angkop na mga barayti sa lugar ay susi rin sa pagkakaroon ng magandang ani.
Hinikayat rin ni Villar ang paggamit ng makabagong makinarya sa bukid upang mapababa ang labor cost. Ilan sa mga makinang nabanggit ay ang mechanical transplanter, combine harvester, at mechanical dryer.
Mahigit 1,500 na magsasaka ang nakilahok sa apat na araw na PhilRice Lakbay Palay. Layunin nito na mahikayat ang mga magsasaka na gumamit ng delikalidad na binhi bawat taniman sa pamamagitan ng field tour at mga pagbisita sa mga rice experts booth na handang sumagot sa mga katanugan ng mga magsasaka.
Tampok rin sa naturang Lakbay Palay ang mga teknolohiya gamit ang renewable energy upang makatipid sa gastos at makatulong na rin sa kalikasan.
Inaasahang ang Wet Season Lakbay Palay sa Setyembre 2018.
Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Rice Matters facebook page ng PhilRice.