Hinihikayat ng DA-PhilRice ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang paglalagay ng wastong tatak, karatula, o label sa pagbebenta ng bigas. 

Ayon sa National Food Authority o NFA, ang wastong label ng bigas ay dapat na naglalaman ng presyo at klasipikasyon kung ang binebentang bigas ay regular milled, well-milled, premium grade, o special rice. Mahalaga rin na nakasaad kung ang bigas ay lokal o imported.  May karampatang kulay din ang mga label nito; puti para sa regular at well-milled, light yellow para sa premium, at skyblue para sa special rice

Maraming konsyumer ang nagpahiwatig ng kanilang kagustuhang tangkilikin ang lokal na bigas ngunit hindi nila ito matukoy sa merkado dulot ng kulang na impormasyon sa mga karatula. Ang pagpapatupad ng wasto at makatotohanang tatak ng bigas sa mga retailers ay layong palakasin ang bentahan ng lokal na bigas sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga konsyumer upang sila ay makapili nang tama.  

Ang paglalagay ng tamang label ay nakasaad sa Philippine National Standard on Grains Grading and Classification of Paddy and Milled Rice mula sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards, at Memorandum Circular AO-2018-10-002 mula sa NFA.

Ang kakulangan sa pagpapatupad ng pamantayan sa wastong label ng bigas ay nagdudulot ng kulang o maling impormasyon para sa mga mamimili. Ang pagsunod sa pamantayang ito ay makatutulong sa pagtiyak na ligtas at mataas ang kalidad ng mabibiling bigas, pati na rin sa pagtataguyod ng lokal na bigas.

Kaugnay nito, hinihikayat ng DA-PhilRice na magkaroon ng ordinansa o resolusyon at taskforce ang mga lokal na pamahalaan na magsisiguradong nasusunod ang mga alituntuning ukol sa wastong paglalagay ng label sa ibinebentang bigas. 

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute