Kaakibat ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN ay ang pagtaas ng buwis ng mga produktong petrolyo tulad ng diesel at gasolina.

Mahigit 29% ng production cost sa pagsasaka ang nagagastos para sa petrolyo. Noong wala pa ang TRAIN Law, umaabot lamang sa P14,000 kada ektarya ang gastos sa gasolina at diesel ng mga magsasakang nakadepende sa supplemental irrigation. Sa implementasyon ng TRAIn, maaari itong madagdagan ng humigit-kumulang P2,000. Bunsod ito ng P4-5 na dagdag presyo sa gasolina at diesel.

Kung hindi mabibigyan ng kaukulang pansin, maaaring bumaba ang kita ng halos P0.50 kada kilo ng mga magsasakang nakadepende sa shallow tube well para magpatubig.

Upang makasabay ang mga magsasaka bunsod ng pagtaas ng petrolyo, kailangang madagdagan ang kanilang ani ng dalawang bag ng palay o 105 kilo kada ektarya.

Inaasahang tataas ang ani sa pamamagitan ng paggamit ng quality seeds. Mainam din na alamin ng ating mga magsasaka ang akmang dami ng pataba sa tamang panahon pati na ang tamang pamamahala ng peste upang matamo ang mataas na ani. Magagamit din ang Rice Crop Manager, isang application na-develop ng DA, PhilRice, at IRRI na nakapagbibigay ng angkop na rekomendasyon sa pagsasaka gamit ang computer o cellphone.

Samantala, makakatulong ang paggamit ng combine harvester, mechanical transplanter, at iba pang labor-saving techniques upang makatipid sa gastusin sa bukid.

Dagdag pa diyan, makatutulong naman sa pagpapababa ng marketing cost kung ang mga organisadong grupo ng magsasaka ay papasukin na rin ang pagnenegosyo ng bigas. Sa pamamagitan nito, mapaiikli ang daan mula palay sa bukid hanggang kanin sa hapag-kainan. Kikita na ang ating mga magsasaka sa value-adding, makikinabang pa ang ating mga konsyumer sa mas murang bigas.

Sa mga estratehiyang nabanggit, tiyak na makakasabay ang ating mga magsasaka sa pagdaan ng TRAIN sa pagsasaka.

Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Rice Matters facebook page ng PhilRice.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute