Kung mabilis matuyuan ang palayan, mainam na mag-abono nang hanggang tatlong beses sa halip na minsanan. Siguraduhing sanap-sanap o nasa dalawa hanggang tatlong sentimetro ang lalim ng tubig bago mag-aplay ng pataba, ito ay upang mas maibaon sa lupa ang mga butil ng pataba. Ang sobrang lalim ng tubig ay mas mataas ang pagtagas ng tubig pailalim o percolation maging ang pagtagas sa mga pinitak na maaaring sumama ang nalusaw na pataba. Ipinapayong sugpuin muna ang mga damo para walang maging kaagaw ang mga tanim na palay. 

Sa paglalagay naman ng abono, mainam na complete fertilizer ang ilagay sa mga katatanim na palay. Tandaan na ang mga batang palay ay wala pang kakayahan na sumisipsip ng maraming pagkain. Ngunit habang lumalaki ang palay, mas nangangailangan ito ng mas maraming nitroheno. Gumamit ng Leaf Color Chart o LCC nang magabayan sa tamang panahon ng paglalagay ng nitroheno sa palay.

Sa panahon ng paglalagay ng pataba, tiyaking tuyo ang mga dahon. Kapag tuyo ang dahon, naiiwasang dumikit ang pataba sa dahon. Kapag basa ang dahon, ito ay maaaring pagsimulan o nagiging sanhi ng pagkasunog nito. Mainam ding maglagay ng abonong N kapag papalamig na ang panahon sa hapon upang maiwasan ang mabilis na pagsingaw ng nitroheno. Ayon sa pag-aaral, ang masyadong mainit na panahon ay mas mataas ang pagsingaw ng nitrohenong pataba.

Kung nais naman paghaluin ang iba’t-ibang klase ng pataba, tiyaking i-aaplay agad ang pinagsama-samang abono. Maaari kasing magdikit-dikit, tumigas, maging mamasa-masa, at mahirap i-aplay ang pinaghalong pataba. 

Samantala, maaari ring paghaluin ang abono at pestisidyo basta parehas ang anyo nito at compatible sa isat isa..

Sa bawat ilalagay na abono sa palayan, tiyaking tama ang sustansiyang ipapakain sa palay, tama ang dami ng ilalagay, at tama ang tiyempo o panahon ng paglalagay nang mapakinabangan nang husto ng palay ang abonong ilalagay, sulit pa sa paggastos sa pagbili ng abono!

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute