Mahirap ang patyamba-tyambang paglalagay ng abono sa palayan. 

Siguraduhin tamang elemento o uri ng abono ang ilalagay. Kailangan din na tiyakin nating nasa tamang dami o amount ito. Makasasama rin kasi sa palay kapag sobra o kulang ang ilalagay na abono. Importante rin ang tamang timing ng paglalagay. Ika nga, aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo? Aanhin pa nga ng palay ang abono kung hindi na niya ito kailangan?

Kapag bitin sa sustansiya ang palay, mabagal ang bwelo ng pagyabong nito, limitado ang suwi at bilang ng butil sa uhay at magaan ang mga butil. Kung sobra naman, malamya at maaaring humapay ang palay, katakam-takam atakihin ng mga peste o pinipiling kapitan ng mga sakit, at dagdag polusyon pa sa kapaligiran.

Kaya naman siguraduhing sakto lang ang sustansiya ng palay sa panahon ng pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak nang masigurong maabot ang pinakamataas na kayang anihin ng barayti at tipid pa sa gastos! 

Nang magabayan sa paglalagay ng nitroheno sa palayan, subukan ang Leaf Color Chart o LCC App. Maaaring i-download sa PlayStore ang LCC App. Ayon sa pag-aaral, mga P2,000 bawat ektarya ang pwedeng matipid kung saktong dami lang ng nitroheno ang gagamitin.

Kaya naman, ano pang hinihintay mo, magdownload na ng LCC App sa PlayStore nang hindi patyamba-tyamba ang paglalagay ng nitroheno sa palayan!

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute