Bilang pagkilala sa natamong pinakamataas na produksyon ng palay sa bansa na umabot sa 20.06 million metric tons nitong taong 2023, nagsagawa ang DA-PhilRice ng rice paddy art sa FutureRice farm.
Ito ay nagsisilbing pagsaludo sa isinasagawang pagsisikap upang mapataas ang ani ng ating mga magsasaka.
Sa pagsasagawa ng rice paddy art na ito, nakilahok ang 70 PhilRice staff gamit ang dalawang barayti ng palay na PSB Rc10 at tradisyunal na purple rice na kung saan makikita ang imahe matapos ang isang buwan.
Makikita ang likhang imahe na rice paddy art sa Lakbay Palay na gaganapin sa March 20-21 sa DA-PhilRice, Science City of Munoz, Nueva Ecija.
Bukod dito, ibibida rin sa FutureRice farm ang iba’t-ibang makinang pangsaka, experimental rice fields na kung saan makikita ang hybrid, inbred at tradisyunal na barayti ng mga palay.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Bisitahin din ang PhilRice Facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan! Maaari ring mapanood ang mga rice technology videos sa Youtube. Hanapin lamang ang PhilRice TV.