Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng grupo nina Dindo King Donayre ng PhilRice, napatunayan nilang may potensiyal ang halamang makahiya at lantana panlaban sa sakit na BLB ng palay. Ang sakit na BLB ay nagdudulot ng paninilaw at panunuyo ng dahon simula sa dulo pababa. Tinatayang nasa 20-60% ang maaaring maging talo ng mga magsasaka sakaling umatake ang BLB sa palayan. Para makuha ang katas ng makahiya at lantana, tinuyo […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Kinakain ng golden apple snail o golden kuhol ang ano mang bahagi ng palay na nakasayad sa tubig. Kung ang palayan ay nakitaan ng walong kuhol kada metro kwadrado, malamang ay kaya nitong ubusin ang 98% na bagong tanim ng palay sa loob ng isang araw. Pinakamapinsala ang mga golden kuhol sa pagsibol ng buto hanggang sa pagsusuwi ng palay. Sa pamamagitan ng magaspang nitong dila, kinakayod nito, at kinakain […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, mataas ang posibilidad na makaranas ng El Niño ang ating bansa ngayong Disyembre hanggang Pebrero ng susunod na taon. Sa kanilang pagtataya, nasa 70-75 percent ang tyansa na mararanasan ang El Niño sa bansa. Ang El Niño ay isang abnormal na kondisyon ng panahon na nagdudulot ng mainit na panahon at madalang na pag-ulan. Sa panahong ito, kalimitang nagiging […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Inaasahang magagamit na ngayong Setyembre 2018 ang e-Damuhan app na binuo ng Information Systems at Crop Protection divisions ng PhilRice. Sa pamamagitan ng simpleng pagkuha ng larawan ng damo gamit ang cellphone o tablet ay agad matutukoy ng e-Damuhan ang uri ng damo at kung paano ito pamahalaan. Kaya naman, sa pamamagitan ng e-Damuhan app ay mapapadali na ang pagtukoy at pamamahala ng damo ng mga magsasaka, extension workers, at […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Tuwing Nobyembre, ginugunita natin ang National Rice Awareness Month. Para sa taong 2018, ang tema ng ating selebrasyon ay ang ugnayan ng magsasaka at konsyumer nang makamit ang kasaganaan o quality life. Kaya naman, hinihikayat ang ating mga magsasaka na magprodyus ng dekalidad na binhi. Sa pamamagitan ng pag-access ng ating mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at pagiging negosyanteng magsasaka, tiyak na mataas ang kita sa mababang gastusin. Sa […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Sadyang hindi na natin mapipigilan ang pagtaas ng produktong petrolyo tulad ng krudo sa Pilipinas. Ito ay bunsod na rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o mas kilala sa tawag na TRAIN LAW. Sa pagtaas ng krudo, apektado rin ang ating mga magsasaka na gumagamit ng krudo sa pagpapatakbo ng makinang pambukid. Kada kilo ng palay, gumagastos ang ating mga magsasaka ng dose hanggang trese pesos. Halos dalawang […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Pinaalalahanan ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute o PhilRice ang mga magsasaka ng palay, partikular na ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Visayas at Luzon, sa isang pulong balitaan sa Maynila na malaking pagsasayang ang pagtatanim ng sobra-sobrang binhing palay. Ayon kay Engr. Marvin Manalang, senior science research specialist ng PhilRice, sapat na ang kwarenta kilong inbred na binhi para sa isang ektarya na “lipat-tanim” […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Nagsimula na ang pamamahagi ng libreng certified inbred seeds sa mga magsasakang benepisyaryo ng RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund sa mga probinsyang mauunang magtanim para sa darating na tag-araw. Kabilang sa mga probinsyang ito ang Pangasinan, Camarines Sur, Iloilo, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, at South Cotabato. Samantala, isinama naman ang Abra sa listahan ng mga probinsyang mabibigyan din ng binhi sa ilalim ng programa. Ayon kay Flordeliza H. […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Apela ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang pagdedeliber at pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka sa kabila ng ipinapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang lugar sa bansa. Hinimok ni Flordeliza H. Bordey, PhilRice deputy executive director for special concerns ang mga gobernador, mayor at mga agriculturist na tanggapin ang hamon na ito mula sa Rice Competitiveness […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Tulad ng golden rice, ang toyo, tinapay, keso, nata de coco, at beer ay ilan lamang sa mga pagkaing ginamitan ng biotechnology. Hindi lamang yan, produkto rin ng biotechnology ang mga antibiotic gaya ng penicillin, insulin para sa mga may dyabetis, at mga bakuna para sa rabis, hepatitis B at tigdas. Sa biotechnology, ginagamit ang mga buhay na organismo buo man o bahagi lamang upang makalikha ng isang produkto, mapabuti […]