Mabilis at tamang impormasyon sa palayan, subukan ang AgriDoc app gamit ang mobile phone. Sa pagdownload ng AgriDoc app gamit ang internet, hindi na mahihirapang magkompyut ang ating mga magsasaka sa dami ng patabang kailangang ilagay. Tampok din sa AgriDoc app ang pagkakaroon ng organisadong talaan ng mga gawain at gastos sa palayan. Kung kaya’t madali nang makompyut ang kabuuang gastos maging ang inaasahang kita. Bukod pa diyan, mayroon ding […]

Categories: Broadcast Releases

Isang Joint Declaration on Agriculture Cooperation ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Papua New Guinea sa Malacañang. Kasunod nito, inaasahang 60,000 Pinoy ang maaaring mabigyan ng trabaho sa Papua New Guinea. Ito ang naging pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa kanyang pagbisita sa PhilRice Nueva Ecija kahapon. Aniya, agriculture graduates, farm machine operators at skilled farmers ang nakikitang magbebenipispyo sa naturang kasunduan. Nilinaw ni Piňol na tanging technical […]

Categories: Broadcast Releases

Bukod sa magastos ang pagtatanim ng sobra-sobrang binhi sa palayan, nagiging maikli ang mga uhay ng palay dahil sa pag- aagawan sa pataba o abono. Hindi lang yan, mas madali pang atakihin ng brown plant hopper o kayumangging ngusong kabayo ang palayan sanhi ng makakapal na puno. Kaya naman ang resulta, mababang ani at mas malaking gastos! Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, sapat na ang 40 kilong inbred seeds […]

Categories: Broadcast Releases

Limang araw na nagsanay ukol sa pagpaparami ng dekalidad na binhi ang mga magsasakang siyentista at local farmer-technicians mula sa iba’t-ibang rehiyon ng Luzon at CARAGA nitong nakaraang buwan. Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, maaaring magkaroon ng 5-20% dagdag ani ang mga magsasaka kapag puro ang binhing ginamit. Mas mataas din ang porsiyento ng pagsibol nito at malulusog ang mga tutubong halaman. Dagdag pa diyan, mas matitibay ang mga […]

Categories: Broadcast Releases

Payo ng mga eksperto, gapasin at giikin ang palay sa tamang panahon nang maging maganda ang kalidad ng butil at bigas. Ang sobrang maagang pag-aani ay magdudulot ng pagkasayang ng butil at mas kakaunti ang makukuhang bigas. Samantala, kung atrasado naman ang pag-aani ay maraming butil ang malulugas at kapag giniling ay mas madaling madudurog ang bigas. Kaya naman, mainam na gapasin ang palay kung 85-90% na ng mga butil […]

Categories: Broadcast Releases

Apela ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang pagdedeliber at pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka sa kabila ng ipinapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang lugar sa bansa. Hinimok ni Flordeliza H. Bordey, PhilRice deputy executive director for special concerns ang mga gobernador, mayor at mga agriculturist na tanggapin ang hamon na ito mula sa Rice Competitiveness […]

Categories: Broadcast Releases

Nang masigurong tuluy-tuloy ang produksyon ng palay sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at sa iba pang lugar sa Pilipinas, ang DA – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ay magpapatuloy sa pagdedeliber at pamamahagi ng binhi para sa mga magsasakang maagang magtatanim ngayong wet season. Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), makatatanggap ng libreng binhi ang mga magsasakang magtatanim simula sa huling linggo […]

Categories: Broadcast Releases

Umabot na sa 1.25 milyong bags na certified inbred seeds ang naipamahagi na ng PhilRice sa humigit kumulang kalahating milyong magsasaka. Tinatayang mahigit sa 600,000 ektarya ang nataniman ng naipamahaging binhi. Ang nasabing pamamahagi ay nagsimula noong Oktubre 2019 hanggang katapusan ng Enero 2020. Ang pamimigay ng libreng binhi ay aabot sa loob ng anim na taon kada taniman. Para sa tag-ulan na sakahan ngayong 2020, magsisimulang muli ang bigayan […]

Categories: Broadcast Releases

Aprubado ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panukala ng Kagawaran ng Agrikultura na payagan ang mga magsasaka at mangingisda na ipagpatuloy ang mga gawain sa bukid basta’t tiyakin lamang na malusog ang kanilang pangangatawan. Ito ay upang masigurong sapat ang suplay ng pagkain sa bansa. Ayon sa kautusan na ipanalabas ng kagawaran noong March 24, lahat ng magsasaka at mangingisda sa bansa ay hindi kasali sa home […]

Categories: Broadcast Releases

Tuluy-tuloy pa rin ang iskedyul ng pamamahagi ng certified inbred seeds mula sa DA – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice). Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), makatatanggap ng libreng binhi ang mga magsasakang magtatanim ng palay ngayong tag-ulan o Wet Season 2020. Para sa Abril 19 hanggang Abril 25, ang mga sumusunod na probinsya ay madedelibiran at makatatanggap ng libreng certified inbred seeds.    PROBINSYA       BAYAN       NORTH COTABATO       Banisilan    […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute