Bukod sa magastos ang pagtatanim ng sobra-sobrang binhi sa
palayan, nagiging maikli ang mga uhay ng palay dahil sa pag-
aagawan sa pataba o abono. Hindi lang yan, mas madali pang
atakihin ng brown plant hopper o kayumangging ngusong kabayo ang
palayan sanhi ng makakapal na puno. Kaya naman ang resulta,
mababang ani at mas malaking gastos!
Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, sapat na ang 40 kilong inbred
seeds kada ektaryang palayan kung maglilipat-tanim! Sa 20×20
sentimetro kwadradong distansya sa pagtatanim, makakabuo na ng
250,000 tundos sa isang ektarya.
Kung susundin ang rekomendadong dalawa hanggang tatlong punla
kada tundos sa kabuuan, 500,000-750,000 punla lang ang
kakailanganin.
Ang 40 kilong binhi ay may humigit kumulang na 1.6 milyong buto,
ibig sabihin, may sosobra pa sa 40 kilo binhi. Ang sosobra ay
pwedeng panghulip o pasobra para sa atake ng mga daga at kuhol.
Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Rice Matters facebook
page ng PhilRice.