Tuwing Nobyembre, ginugunita natin ang National Rice Awareness Month. Para sa taong 2018, ang tema ng ating selebrasyon ay ang ugnayan ng magsasaka at konsyumer nang makamit ang kasaganaan o quality life.

Kaya naman, hinihikayat ang ating mga magsasaka na magprodyus ng dekalidad na binhi. Sa pamamagitan ng pag-access ng ating mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at pagiging negosyanteng magsasaka, tiyak na mataas ang kita sa mababang gastusin.

Sa paggamit ng purong binhi, inaasahan nang magkaroon ng 5-20% dagdag ani. Ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng purong binhi ay nagreresulta ng malulusog na punla na mabilis at pantay-pantay ang paglaki. 

Hinihikayat din ang ating mga magsasaka na subukan ang makina sa pagsasaka. Tipid sa gastos, oras, at pagod.

Maraming benepisyo ang maidudulot ng paggamit ng mechanical transplanter. Liban sa bawas sa dami ng tao na kailangan, malaki din ang matitipid sa binhi na gagamitin dahil 30-40 kilo lamang ang rekomendadong gamitin para sa isang ektarya kumpara sa 60-80kilo na kadalasan na ating ginagamit kapag manu-mano.

Sa paggamit naman ng combine harvester, kayang mag-ani, mag-ipon, maglinis, maggiik, at magsako ng palay sa isang pasada lang. Sa isang araw, kaya nito ang lima at kalahating ektaryang palayan.

Mainam din gumamit flatbed dryer sa pagpapatuyo ng butil ng palay, kape, legumes, at iba pang pananim o produkto na kailangang ipatuyo. Eksakto ang temperatura at napapanatili ang tamang init sa pagpapatuyo ng palay.  

Upang hindi mahuli sa mga bagong teknolohiya, hinihikayat din ang ating mga magsasaka na pagyamanin pa ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagtatanong at pagkuha ng mga impormasyon sa pagsasaka gamit ang kanilang cellphone, internet, at iba’t ibang babasahin. 

Maaari ring  magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423 para sa iba pang diskarte tips nang tumaas ang ani sa mababang gastos.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute