Nagsimula na ang pamamahagi ng libreng certified inbred seeds sa mga magsasakang benepisyaryo ng RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund sa mga probinsyang mauunang magtanim para sa darating na tag-araw. 

Kabilang sa mga probinsyang ito ang Pangasinan, Camarines Sur, Iloilo, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, at South Cotabato. Samantala, isinama naman ang Abra sa listahan ng mga probinsyang mabibigyan din ng binhi sa ilalim ng programa.

Ayon kay Flordeliza H. Bordey, RCEF Program Management Office Director ng PhilRice, mas pinaaga ang pamamahagi ng libreng binhi ngayong taon kumpara sa parehong season noong 2019 bilang tugon na rin sa hiling ng mga magsasaka na makakuha ng binhi bago pa man ang simula ng taniman. 

Para sa tag-araw ng 2021, aabot sa 1.6 milyong sako ng libreng binhi ang ipapamahagi sa mahigit 600,000 magsasaka sa mga rice-producing provinces sa bansa.

Bawat magsasakang benepisyaryo ay makatatanggap ng 1 sakong inbred seeds kada kalahating ektarya na may 20 kilong timbang bawat sako.  

Hinihikayat ni Bordey ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa kanilang municipal/city agriculture office upang malaman ang iskedyul ng pamamahagi ng binhi sa kanilang lugar.

Sa pagkuha ng binhi, pinapaalalahanan naman ang mga magsasaka na ihanda ang mga requirements gaya ng RSBSA stub at valid ID, at sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, pagkakaroon ng physical distancing, at palagiang paggamit ng alcohol o hand sanitizer.

Ang pamamahagi ng binhi sa ilalim ng RCEF ay ipinapatupad sa bisa ng Rice Tariffication Law na nilagdaan noong February 14, 2019. 

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute