Kinakailangan na panatilihin ang kalinisan ng mga pilapil, kanal, at paligid ng bukid upang walang mapagtaguan ang mga daga. Dapat din na bawasan o paliitin ang lapad ng pilapil upang hindi ito paglunggaan ng mga daga. Ipinapayo din na buhusan ng magkahalong putik at tubig ang kanilang lungga upang mapamahalaan ito.

Kung ang paninira ng daga ay umaabot ng 40% o halos kalahati na ng ating taniman ay mainam gumamit ng trap barrier system o TBS. Sikaping maging sabayan ang pagtatanim upang maging mabisa ang TBS. Ang TBS ay pagtatanim ng palay na may bakod na plastic na may taas na 24.5 pulgada ang laylayan ng plastic na dapat ay nakabaon. Ang plastic ay bubutasan sa mga sulok na pwedeng pasukan ng daga at lalagyan ng bitag ang bawat butas. Apat o higit pang bitag ang kailangang ilagay. Siguraduhing may tubig ang paligid ng plastik. Ang bakod ay dapat may layong isang metro mula sa pilapil. Ito ay tataniman ng aromatic variety na mauuna ng 1 buwan sa karaniwan na taniman ng palay upang ang mga daga ay maakit sa TBS. Ang isang TBS ay sapat na sa sampung ektaryang palayan. Huwag kalimutan na kolektahin araw-araw ang mga mahuhuling daga para laging handa ang bitag sa maaakit na daga.

Ayon sa pag-aaral ng PhilRice, tinatayang 2% lang ang pinsala ng mga daga sa palayang ginamitan ng TBS kumpara sa 33% pinsala sa mga walang TBS.

Ang pagpapain ng lason ay dapat din gawin sa tamang panahon. Lahat ng lason na pain sa daga ay inihahalo sa kanilang pagkain. Kaya mainam na gawin ang pagpapain sa panahong wala silang makain, tulad ng panahon ng paghahanda ng lupa hanggang pagtatanim.

Kung gagamit ng zinc phospide, maglagay muna ng pain na walang lason sa loob ngtatlong araw upang masanay muna ang mga daga sa pain. Sa paglagay ng lason, ilagay ang lason sa supot at paliguan ng mantika o bagoong ang nakasupot na pain upang maamoy ito ng mga daga, maaari din nilang dalin ito sa kanilang mga lungga at ipakain sa kanilang mga anak. Huwag ilagay ang zinc phosphide sa lupa dahil kung ito ay mahamugan ay mawawalan ito ng bisa.

Tandaan ang pamantayan ng tagumpay ng pamamahala ng daga ay ang nabawas na sira sa palayan at hindi ang dami ng napatay na daga. Isaisip din na matatalino ang mga daga kaya dapat maging mas matalino tayo sa pagsugpo sa kanila. Hindi pwede ang kinagawian lang, kailangan ay kilalanin sila at alamin ang tamang pamamahala sa mga daga.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice text center bilang 0920 911 1398.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute