Ilulunsad ng DA-PhilRice ngayong Oktubre ang pilot-test ng Binhi e-padala, isang digital voucher system na magpapadali at magpapabilis sa paraan ng pamamahagi ng certified inbred seeds sa mga magsasaka. Ang programang ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF-Seed Program katuwang ang PayMaya Philippines Inc., Nueva Ecija Seed Growers Multipurpose Cooperative, at Development Bank of the Philippines.

Kabilang ang Nueva Ecija at Tarlac sa mga probinsyang maglulunsad ng pilot test para sa Binhi e-Padala. 

Para sa Nueva Ecija, ilan sa mga magsasaka mula sa mga bayan ng Aliaga, Bongabon, Cabanatuan City, Cuyapo, General Natividad, Guimba, Licab, Llanera, Lupao, Nampicuan, Quezon, Rizal, San Jose City, Science City of Muñoz, Sto. Domingo, Talavera, at Talugtug ang makasusubok ng Binhi e-Padala.

Samantala sa Gerona, Paniqui, Pura, Ramos, Tarlac City, at Victoria, Tarlac ang siyang makalalahok sa Binhi e-Padala.

Sa Binhi e-Padala, limang libong kwalipikadong magsasakang ang padadalhan ng PayMaya ng text message na naglalaman ng claim code at outlet na maaaring pagkuhanan ng libreng binhi. Sa araw ng pagkuha ng binhi, ipapakita ng magsasaka ang claim code, valid ID at RSBSA stub sa padala outlets.

Ayon kay Dr. Flordeliza H. Bordey, RCEF Program Management Office Director ng PhilRice, inaasahan na makakakuha ng binhi ng mas maaga ang mga magsasaka bago pa man magsimula ang kanilang taniman. 

Anya, makakatulong din ito upang makaiwas sa pagdagsa ng maraming tao sa isang lugar dahil pwede na nilang makuha ang mga binhi sa oras at araw na pabor sa kanila. 

Ang Binhi e-padala ay isa sa mga kauna-unahang proyekto sa sektor ng agrikultura na gumagamit ng financial technology sa kabuuan.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute