Mainam na ipasuri ang lupa nang matukoy ang kailangang sustansiya nito. Ang palayang may sapat na sustansiya ay nagpapahusay sa paglaki ng palay at pagkamit ng pinakamataas na potensyal na ani ng isang barayti. Malaki rin ang matitipid basta’t tama ang ilalagay na pataba.

Siguraduhing sapat ang pataba mula pagsusuwi hanggang bago maglihi hanggang sa maagang pamumulaklak nang masiguro ang magandang pagtubo at pagbuo ng bunga ng halaman. Alamin ang sustansyang kailangan sa pamamagitan ng soil analysis, maaaring gumamit ng Minus One Element Technique o MOET at Leaf color chart o LCC. Mainam ding gabay ang Rice Crop Manager o RCM na isang web based na gabay sa paglalagay ng pataba.

Maaari ding sundin ang pangkalahatang rekomendasyon. 

Tuwing tag-ulan, ipinapayong maglagay ng limang sakong complete fertilizer o 14-14-14 sampung araw pagkalipat-tanim. Sundan ito ng isa at kalahating sako ng urea o 46-0-0 makalipas ang 20 araw pagkalipat-tanim. Dagdagan ulit ng isa at kalahating sako ng urea makalipas ang tatlumpung araw pagkalipat-tanim.

Kung tag-araw naman, maglagay ng pitong sakong complete fertilizer at isang sako ng urea makalipas ang pitong araw pagkalipat-tanim. Makalipas naman ang labing pitong araw pagkalipat-tanim ay maglagay ng isa at kalahating sako ng urea. Dagdagan ulit ng isa at kalahating sako ng urea makalipas ang dalawamput limang araw pagkalipat-tanim.

Tiyakin sapat ang sustansiyang ilalagay sa palay. Kapag kulang sa sustansiya, mabagal ang pagyabong, limitado ang suwi at uhay, at magaan ang mga butil. Kung sobra naman, malamya at maaaring humapay ang palay, madaling atakihin ng peste o kapitan ng mga sakit, at dagdag polusyon pa sa kapaligiran.

Tandaan, siguraduhing tama ang uri ng patabang ilalagay sa tamang dami at tamang panahon nang masigurong maaabot ang pinakamataas na kayang anihin ng barayti at tipid pa sa gastos!

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice facebook page nang updated ka sa usaping palay!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute