Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, aabot sa walong milyong Pilipino ang pinangangambahan na magkaroon ng diabetes sa taong 2030.

Ang pagkain ng sobra-sobrang carbohydrates tulad ng puting kanin ay maaaring magdulot ng mataas na blood sugar.

Kaya naman, mainam na haluan ang kanin ng iba pang alternatibong pamalit sa kanin tulad ng corn grits. Kumpara sa kanin, mas mababa ang glycemic index ng mais.  Ang glycemic index ay sumusukat sa bilis ng pagkakaroon ng asukal sa dugo pagkatapos kumain ng starchy food.

Ayon kay Dr. Marissa V. Romero, senior food scientist ng PhilRice,

ang pagkain ng pinagsamang kanin at puting mais o mas kilala sa tawag na rice-corn blend ay mas madaling makabusog at masustansiya. Dagdag pa diyan, ito ay mas mura kesa sa karamihan ng bigas sa merkado. Bawat kilo ng rice-corn blend ay nasa P38 lamang. 

Base sa pag-aaral na isinagawa nina Romero, katanggap-tanggap din ang lasa at lambot nito. Pinakagusto ng mga konsyumers, ang 70:30 ratio ng rice-corn blend. Ibig sabihin, pasok sa panlasang Pinoy ang pinaghalong 70 percent na kanin at 30 percent naman na puting mais.

Dagdag pa diyan, parehas lamang ang paraan ng pagsasaing maging purong puting kanin o rice-corn blend. 

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute