Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Kaakibat ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN ay ang pagtaas ng buwis ng mga produktong petrolyo tulad ng diesel at gasolina. Mahigit 29% ng production cost sa pagsasaka ang nagagastos para sa petrolyo. Noong wala pa ang TRAIN Law, umaabot lamang sa P14,000 kada ektarya ang gastos sa gasolina at diesel ng mga magsasakang nakadepende sa supplemental irrigation. Sa implementasyon ng TRAIn, maaari itong […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ngayong madalas ang ulan sa ating bansa, ipinapayo ng mga eksperto na tanggalin agad ang sobrang tubig sa palayan pagkatapos ng malakas na ulan. Mainam na kumpunihin ang pilapil at linisin ang mga kanal nang dumaloy nang maayos ang tubig at maiwasan ang pagkalubog sa tubig ng palayan. Ang palayang laging lubog sa tubig ay madaling atakihin ng peste gaya ng brown planthopper o BPH. Sakali mang makitaan na ng […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Kung mabilis matuyuan ang palayan, mainam na mag-abono nang hanggang tatlong beses sa halip na minsanan. Siguraduhing sanap-sanap o nasa dalawa hanggang tatlong sentimetro ang lalim ng tubig bago mag-aplay ng pataba, ito ay upang mas maibaon sa lupa ang mga butil ng pataba. Ang sobrang lalim ng tubig ay mas mataas ang pagtagas ng tubig pailalim o percolation maging ang pagtagas sa mga pinitak na maaaring sumama ang nalusaw […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Sa pagdiriwang ng PhilRice Lakbay Palay 2018, hinimok ni Senator Cynthia Villar ang mga magsasaka na gumamit ng dekalidad na binhi at makabagong makina sa pagsasaka upang mapataas ang kanilang ani. Ayon kay Villar, mainam na matutunan ng mga magsasaka ang paggamit ng dekalidad na binhi maging ang proseso ng pagbibinhi upang makasiguro na mas mataas ang magiging ani. Maituturing na dekalidad ang binhi kung ito ay dumaan sa pagsusuri […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Napatunayan ni Benjamin Manual, magsasaka mula sa Pila, Laguna na tumaas ang kanyang ani simula nang matutuhan niya ang tamang pamamahala ng sustansiya sa palayan. Si Mang Benjamin ay isa sa mga kalahok ng Farmer Field School training sa PhilRice Los Baños. Natutuhan ni Mang Benjamin na kinakailangang tama ang uri, dami, at panahon ng paglalagay ng pataba. Aniya, mula sa dating 5.5 tonelada kada ektarya ani sa kanilang lugar, […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Sa Rice Tariffication Law, mura ang bigas at magsasaka ay pinalakas. Panalo ang konsyumer ng bigas sa pagpapatupad ng rice tariffication law dahil mas abot-kaya na ang bigas! Kumpara sa presyo noong 2018, bumaba ng mahigit dalawang piso kada kilo ang presyo ng well-milled rice sa merkado. Maging magsasaka ay panalo rin sa pagpapatupad nito dahil karamihan sa kanila ay bumibili rin ng bigas. Bukod pa dyan, ang P10 bilyong […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ngayong tag-ulan, kadalasang tinatamaan ng sakit na mata-mata o rice blast ang palayan. Kaya naman mainam na malaman kung paano nga ba maiiwasan ang pagkalat nito. Ipinapayong palaging i-monitor ang bukid upang maging handa sa anumang pagkalat ng sakit. Kailangang kilalaning mabuti ang sakit ng palay upang maisagawa ang tamang pagsugpo. Alamin din ang dahilan ng sakit sa simula pa lamang upang mabawasan o mapuksa ang pinagmumulan nito. Ang palayang […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Mainam na ipasuri ang lupa nang matukoy ang kailangang sustansiya nito. Ang palayang may sapat na sustansiya ay nagpapahusay sa paglaki ng palay at pagkamit ng pinakamataas na potensyal na ani ng isang barayti. Malaki rin ang matitipid basta’t tama ang ilalagay na pataba. Siguraduhing sapat ang pataba mula pagsusuwi hanggang bago maglihi hanggang sa maagang pamumulaklak nang masiguro ang magandang pagtubo at pagbuo ng bunga ng halaman. Alamin ang […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, aabot sa walong milyong Pilipino ang pinangangambahan na magkaroon ng diabetes sa taong 2030. Ang pagkain ng sobra-sobrang carbohydrates tulad ng puting kanin ay maaaring magdulot ng mataas na blood sugar. Kaya naman, mainam na haluan ang kanin ng iba pang alternatibong pamalit sa kanin tulad ng corn grits. Kumpara sa kanin, mas mababa ang glycemic index ng mais. Ang glycemic index ay […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ayon sa opisyal na pahayag ng PhilRice, masasabi nating may rice security ang ating bansa kung ang bigas na mahusay ang kalidad at ligtas kainin ay may sapat na supply o available, madaling mabili sa mga suking tindahan o accessible, sa murang halaga o affordable, sa lahat ng panahon. Samantala, sa self-sufficiency, maaring maging available at accessible ang lokal na bigas, pero kung mas mahal naman ito, nawawala ang elemento […]