Maaaring alam natin ang itsura ng daga pero gaano ba natin kakilala ang mga ito? Marami sa ating mga magsasaka ay nakiki-usap sa mga ito na huwag ubusin ang ating pananim ngunit nakakaintindi ba sila ng ating wika?

Mayroon naman ilan na naglalagay ng palapa ng niyog upang magsilbing cobra na panakot sa mga daga ngunit alam nyo ba na malabo ang kanilang paningin kaya hindi sila matatakot sa palapa. Ang ilan naman ay naghihiwalay ng pagkain na para lamang sa daga o ang tinatawag na atang ngunit hindi nga ba sinalakay ng mga daga ang inyong pananim?

Ito ay ilan lamang sa mga kinagawian ng ating mga magsasaka. Ating kilalanin pa ng lubos ang mga daga upang mapamahalaan natin sila ng tama.

Alam nyo ba na ang kayang magiging anak at anak ng susunod na salinlahi ng isang pares ng daga ay kayang magparami ng hanggang 500 sa loob lamang ng 10 buwan.

Ang nanay na daga ay maaari nang maglandi at mabuntis 10 oras lamang pagkapanganak. Sila ay maaaring manganak ng 4 na ulit sa isang taon at ang karaniwang dami ng inakay ay 6 sa bawat anakan kung pabor sa kanilang pagdami ang suplay ng pagkain at tirahan. Kaya, kailangang agapan ang pagsugpo ng daga bago mag-umpisa ang pag-aasawahan.

Pinakamarami ang bilang ng mga daga tuwing taglamig kaya mainam na mas pag-igtingin ang kampanya laban sa kanila sa panahong ito. Ang panahon na pagbubuntis ng palay ay hudyat din ng pag-aasawahan o pagpaparami ng daga kaya ito rin ang pinakamainam na panahon ng pagpuksa ng sama-sama.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice text center bilang 0920 911 1398.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute