Kinakain ng golden apple snail o golden kuhol ang ano mang bahagi ng palay na nakasayad sa tubig. Kung ang palayan ay nakitaan ng walong kuhol kada metro kwadrado, malamang ay kaya nitong ubusin ang 98% na bagong tanim ng palay sa loob ng isang araw. Pinakamapinsala ang mga golden kuhol sa pagsibol ng buto hanggang sa pagsusuwi ng palay. Sa pamamagitan ng magaspang nitong dila, kinakayod nito, at kinakain […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, mataas ang posibilidad na makaranas ng El Niño ang ating bansa ngayong Disyembre hanggang Pebrero ng susunod na taon. Sa kanilang pagtataya, nasa 70-75 percent ang tyansa na mararanasan ang El Niño sa bansa.  Ang El Niño ay isang abnormal na kondisyon ng panahon na nagdudulot ng mainit na panahon at madalang na pag-ulan. Sa panahong ito, kalimitang nagiging […]

Categories: Broadcast Releases

Inaasahang magagamit na ngayong Setyembre 2018 ang e-Damuhan app na binuo ng Information Systems at Crop Protection divisions ng PhilRice.  Sa pamamagitan ng simpleng pagkuha ng larawan ng damo gamit ang cellphone o tablet ay agad matutukoy ng e-Damuhan ang uri ng damo at kung paano ito pamahalaan. Kaya naman, sa pamamagitan ng e-Damuhan app ay mapapadali na ang pagtukoy at pamamahala ng damo ng mga magsasaka, extension workers, at […]

Categories: Broadcast Releases

Tuwing Nobyembre, ginugunita natin ang National Rice Awareness Month. Para sa taong 2018, ang tema ng ating selebrasyon ay ang ugnayan ng magsasaka at konsyumer nang makamit ang kasaganaan o quality life. Kaya naman, hinihikayat ang ating mga magsasaka na magprodyus ng dekalidad na binhi. Sa pamamagitan ng pag-access ng ating mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at pagiging negosyanteng magsasaka, tiyak na mataas ang kita sa mababang gastusin. Sa […]

Categories: Broadcast Releases

Sadyang hindi na natin mapipigilan ang pagtaas ng produktong petrolyo tulad ng krudo sa Pilipinas. Ito ay bunsod na rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o mas kilala sa tawag na TRAIN LAW. Sa pagtaas ng krudo, apektado rin ang ating mga magsasaka na gumagamit ng krudo sa pagpapatakbo ng makinang pambukid. Kada kilo ng palay, gumagastos ang ating mga magsasaka ng dose hanggang trese pesos. Halos dalawang […]

Categories: Broadcast Releases

Pinaalalahanan ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute o PhilRice ang mga magsasaka ng palay, partikular na ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Visayas at Luzon, sa isang pulong balitaan sa Maynila na malaking pagsasayang ang pagtatanim ng sobra-sobrang binhing palay. Ayon kay Engr. Marvin Manalang, senior science research specialist ng PhilRice, sapat na ang kwarenta kilong inbred na binhi para sa isang ektarya na “lipat-tanim” […]

Categories: Broadcast Releases

Nagsimula na ang pamamahagi ng libreng certified inbred seeds sa mga magsasakang benepisyaryo ng RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund sa mga probinsyang mauunang magtanim para sa darating na tag-araw.  Kabilang sa mga probinsyang ito ang Pangasinan, Camarines Sur, Iloilo, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, at South Cotabato. Samantala, isinama naman ang Abra sa listahan ng mga probinsyang mabibigyan din ng binhi sa ilalim ng programa. Ayon kay Flordeliza H. […]

Categories: Broadcast Releases

Apela ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang pagdedeliber at pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka sa kabila ng ipinapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang lugar sa bansa.  Hinimok ni Flordeliza H. Bordey, PhilRice deputy executive director for special concerns ang mga gobernador, mayor at mga agriculturist na tanggapin ang hamon na ito mula sa Rice Competitiveness […]

Categories: Broadcast Releases

Tulad ng golden rice, ang toyo, tinapay, keso, nata de coco, at beer ay ilan lamang sa mga pagkaing ginamitan ng biotechnology. Hindi lamang yan, produkto rin ng biotechnology ang mga antibiotic gaya ng penicillin, insulin para sa mga may dyabetis, at mga bakuna para sa rabis, hepatitis B at tigdas. Sa biotechnology, ginagamit ang mga buhay na organismo buo man o bahagi lamang upang makalikha ng isang produkto, mapabuti […]

Categories: Broadcast Releases

Gamit ang tablet at smartphone o cellphone, mada-download ng libre ang Binhing Palay App sa Google play. Nilalaman ng Binhing palay app ang nasa mahigit dalawang daang barayti ng palay at ang katangian nito mula sa pribado at pampublikong breeders ng palay. Kabilang sa mga impormasyon makukuha sa binhing palay app ang potensyal na kayang anihin nito, reaksyon ng palay sa sakit at peste, angkop na kapaligirang pagtataniman, kabuuang porsyento […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute