Tulad ng golden rice, ang toyo, tinapay, keso, nata de coco, at beer ay ilan lamang sa mga pagkaing ginamitan ng biotechnology. Hindi lamang yan, produkto rin ng biotechnology ang mga antibiotic gaya ng penicillin, insulin para sa mga may dyabetis, at mga bakuna para sa rabis, hepatitis B at tigdas.
Sa biotechnology, ginagamit ang mga buhay na organismo buo man o bahagi lamang upang makalikha ng isang produkto, mapabuti ang mga gawa nang produkto gaya ng mas pinabuting barayti ng halaman, strain o breed ng hayop.
Sa larangan ng agrikultura, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng pananim ang mga paglikha ng mga makabagong barayti ng palay.
Kaya naman, hindi na bago ang biotechnology sa agrikultura. Sa katunayan, mahigit isang dekada nang nagtatanim ang magsasakang Pinoy ng mais na produkto ng biotechnology. Sa pamamagitan ng biotechnology, nabuo ang genitically modified na mais na matibay sa peste at sakit, mataas pang mag-ani!
Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.