Maaaring alam natin ang itsura ng daga pero gaano ba natin kakilala ang mga ito? Marami sa ating mga magsasaka ay nakiki-usap sa mga ito na huwag ubusin ang ating pananim ngunit nakakaintindi ba sila ng ating wika? Mayroon naman ilan na naglalagay ng palapa ng niyog upang magsilbing cobra na panakot sa mga daga ngunit alam nyo ba na malabo ang kanilang paningin kaya hindi sila matatakot sa palapa. […]

Categories: Broadcast Releases

Bagamat maraming gulay at prutas sa Pilipinas, hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang bumili o makakuha ng mga pagkaing ito.  Ayon sa surbey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI, kanin ang pinakamadalas kainin ng mga Pilipino kumpara sa prutas o gulay sa bansa. Ang kamatis ay nasa pang- labinlima sa listahan samantala nasa labing-walo naman ang talong.  Liban pa dito ang palay ay malawakang itinatanim […]

Categories: Broadcast Releases

Mahirap ang patyamba-tyambang paglalagay ng abono sa palayan.  Siguraduhin tamang elemento o uri ng abono ang ilalagay. Kailangan din na tiyakin nating nasa tamang dami o amount ito. Makasasama rin kasi sa palay kapag sobra o kulang ang ilalagay na abono. Importante rin ang tamang timing ng paglalagay. Ika nga, aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo? Aanhin pa nga ng palay ang abono kung hindi na […]

Categories: Broadcast Releases

Ang sobrang paglalagay ng pataba tulad ng nitroheno ay nakapagpapalambot ng puno ng halamang-palay. Kung kaya’t madaling mabutas ng mga pesteng kulisap ang malambot na puno ng palay.  Dagdag pa diyan, nagiging sobra ang pagkaberde ng palay na nakakaenganyo sa mga peste. Nagiging malambot din ang puno ng palay kung kaya’t madaling magasgas ang mga dahon na sya namang pinapasukan ng mga sakit tulad ng blast, sheath blight, stem rot, […]

Categories: Broadcast Releases

Hindi totoong maiiwasan ang pagdami ng peste sa pag-iisprey ng pamatay-peste. Paalala ng mga ekperto na gamitin lamang ang pestisidyo bilang corrective measure at hindi bilang pang-iwas sa mga ito. Ayon sa mga ekperto, gumamit lamang ng pestisidyo kung ang dami ng mga peste ay hindi pa ikalulugi ng magsasaka. Mainam rin na gumamit lamang ng pinakaka-unting dami ngunit may sapat pa ring bisa.  Tandaan, ang maling paggamit ng pamatay-peste […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, ang hindi angkop na paggamit ng pestisidyo ang isa sa mga dahilan ng pagkasira, pagkamatay, at pagkawala ng mga kaibigang kulisap sa palayan. Ang mga kaibigang kulisap tulad ng ground beetle, mga gagamba tulad ng wolf spider, lynx spider, long jawed spider, mga kuliglig, cricket, red ant, pagung-pagongan, at mga tutubi ang siyang kumakain o sumisipsip ng katas ng mga katawan ng pesteng kulisap. […]

Categories: Broadcast Releases

Ipinapayo ng mga eksperto na gumamit ng barayting may resistensya laban sa peste para maiwasan ang pagdami nito. Ilan sa mga subok na barayti sa Pilipinas ang NSIC Rc 222, 216, 160, 300, at 238. Kapag lipat-tanim, kayang umani ng NSIC Rc 222 ng 122 hanggang 200 kaban na may paggulang na 114 araw. Kung sabog-tanim naman, kayang umani nito ng 114 hanggang 158 kaban na may paggulang na 106 […]

Categories: Broadcast Releases

Ipinapayo ng mga eksperto na magtanim nang sabayan sa komunidad matapos pagpahingahin ang lupa ng isang buwan pagka-ani. Ito ay upang maiwasan ang mas malaking pinsala ng mga peste sa iba’t-ibang yugto ng palay. Karamihan sa mga pesteng kulisap ay tumatagal lamang ng isang buwan ang buhay. Sa pamamagitan ng pagpapahinga ng lupa, napuputol ang inog ng buhay o life cycle ng mga peste dahil wala silang makain at matirhan […]

Categories: Broadcast Releases

Tuluy-tuloy pa rin ang iskedyul ng pamamahagi ng certified inbred seeds mula sa DA – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice).  Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), makatatanggap ng libreng binhi ang mga magsasakang magtatanim ng palay ngayong tag-ulan o Wet Season 2020. Para sa Abril 19 hanggang Abril 25, ang mga sumusunod na probinsya ay madedelibiran at makatatanggap ng libreng certified inbred seeds.  Ayon sa pag-aaral ng PhilRice, […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng grupo nina Dindo King Donayre ng PhilRice, napatunayan nilang may potensiyal ang halamang makahiya at lantana panlaban sa sakit na BLB ng palay. Ang sakit na BLB ay nagdudulot ng paninilaw at panunuyo ng dahon simula sa dulo pababa. Tinatayang nasa 20-60% ang maaaring maging talo ng mga magsasaka sakaling umatake ang BLB sa palayan.   Para makuha ang katas ng makahiya at lantana, tinuyo […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute