Gamit ang tablet at smartphone o cellphone, mada-download ng libre ang Binhing Palay App sa Google play. Nilalaman ng Binhing palay app ang nasa mahigit dalawang daang barayti ng palay at ang katangian nito mula sa pribado at pampublikong breeders ng palay.

Kabilang sa mga impormasyon makukuha sa binhing palay app ang potensyal na kayang anihin nito, reaksyon ng palay sa sakit at peste, angkop na kapaligirang pagtataniman, kabuuang porsyento ng nagiling na bigas o milling recovery, at kung ang bigas ay malambot o matigas kung naluto.

Sa pamamagitan ng binhing palay app, magagamit ng magsasaka, extension workers, at researchers ang app depende sa anong kategorya nila naisin. Maaari rin makita ang mga barayti ng palay base sa ecosystem kung saan angkop ang mga barayting may patubig, sahod-ulan, napapasok ng tubig-alat, katihan o upland, nababaha, malamig at mataas na palayan.

Ang binhing palay app ay nagbibigay din ng rekomendasyon kung ano ang mainam na itanim base sa datos mula sa regional field offices at resulta ng surbey patungkol sa kagustuhan ng mga magsasakang itanim.

Ang binhing palay app ay pwedeng magamit kahit walang internet.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute