Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, and paggamit ng purong binhi aymaaaring makapagpataas ng 10-15% dagdag ani. Makasisiguro rin na halos wala ng buto ng damo na kasama sa sako at sabay-sabay na mahihinog at aanihin ang palay. Mas mataas din ang porsiyento ng pagsibol nito at malulusog ang mga tutubong halaman. Kaya naman, mas matitibay ang mga ito laban sa peste at sakit. Sa paggamit ng purong binhi tulad […]

Alam nyo ba na hindi lamang ang paglaki ng tyan ang dahilan kung bakit dapat maalarma sa pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates tulad ng kanin. Ang sobrang pagkain ng kanin ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng sakit sa puso, diabetes, at iba pa. Ang bawat katawan ng tao ay may kaukulang pangangailangan, ang iba ay dapat kumain ng mas marami, ang iba naman ay kaunti lamang. […]

Categories: Broadcast Releases

Nang makatipid sa gastusin sa pagtatanim, maaaring subukan ang PhilRice-Inca Plastic Drumseeder.  Ayon kay Ferdinand Echon, extension worker at magsasaka mula Masinloc, Zambales, P1,000 kada ektarya ang kanyang nagagasta bilang upa sa magtatanim gamit ang drumseeder, P5,250 naman ang upa sa mga manananim ng lipat-tanim.  Kaya naman, para kay Echon laking tipid talaga kung drumseeder ang gagamitin sa pagtatanim ng palay.  Ang drumseeder ay ginagamit sa paraang sabog-tanim  Sa paggamit […]

Categories: Broadcast Releases

Ang negosyanteng magsasaka naglilista ng mga pumasok at lumabas na pera sa kanyang pagsasaka. Sa ganitong paraan, mas madaling matutuos kung magkano ang naging kita sa pagpapalayan. Sabi nga nila ay natural na makakalimutin ang tao kung kaya ipinapayong ilista na agad ang mga naging gawain sa bukid. Sa paglilista, nalalaman kung magkano ang pumasok na pera, magkano ang lumabas, at paano ginastos ang iyong pera. Makikita rin sa iyong […]

Maulan man, pwede pa rin magpatuyo ng palay gamit ang flatbed dryer.  Kaya ng flatbed dryer na magpatuyo ng butil ng palay, kape, legumes, at iba pang pananim o produkto na kailangang ipatuyo. Eksakto ang temperatura at napapanatili ang tamang init sa pagpapatuyo ng palay.   Ang ipa ang siyang ginagamit na panggatong sa flatbed dryer. Nasa walo hanggang sampung oras lamang ay kaya nang patuyuin nito ang anim na toneladang […]

Nang makaseguro sa pagpapalay, siguraduhing may crop insurance ka! Sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), masalanta man ng bagyo o atakihin ng peste ang iyong palayan, hindi tuluyang malulugi at mawawalan ng pag-asa ang mga magsasaka sa pagtatanim. Sa pag-aaplay ng crop insurance, kailangang magsumite ng application form na may impormasyon tungkol sa magsasaka at sa kaniyang taniman. Upang makakuha ng kopya ng form na ito, maaaring sumangguni […]

Sa tamang proseso ng pagpupuro ng binhi, maaaring tumaas ang ani at kita ng mga magsasaka ng 5-20%, tipid pa sa pagbili ng binhi!  Ipinapayo ng mga eksperto ang pagpupuro ng sariling binhi lalo na sa magsasakang nasa malalayong bayan na kakaunti ang mapagkukunan ng binhi. Sa pagpupuro ng binhi mula sa tinanimang bukid, pumili ng pinakamainam na lugar na may sukat na 1,000 metro kwadrado at lagyan ito ng […]

Categories: Broadcast Releases

Gamit ang android smart phone, pwede nang madownload ang LCC App o Leaf Color Computing App sa Google Play Store. Ang LCC App ay ginagamit upang masukat ang antas ng pagkaberde ng kulay ng dahon na may kaugnayan sa taglay nitong nitroheno. Sa paggamit nito, magagabayan ang mga magsasaka kung kailangan na bang maglagay ng nitroheno sa palayan. Simple lang ang paggamit ng LCC App, ilapat sa front camera ng smartphone […]

Ipinapayo ng mga eksperto na paramihin ang mga likas na kaaway ng peste o helpful organisms nang maiwasan ang pagsalakay ng mga peste sa palayan. Unti-unting pinapatay ng mga kaibigang organismo tulad ng putakti ang pesteng kulisap. Ang iba namang kaibigang organismo ay kinakain o sinisipsip ang katas ng katawan ng mga peste sa palayan. Kung kaya, ipinapayo na paramihin ang mga kaibigang organismo sa palayan. Ilan sa mga likas […]

Categories: Broadcast Releases

Tuwing Nobyembre, ginugunita natin ang National Rice Awareness Month. Para sa taong 2018, ang tema ng ating selebrasyon ay ang ugnayan ng magsasaka at konsyumer nang makamit ang kasaganaan o quality life. Hinihikayat ang mga konsyumer na huwag mag-aksaya ng kanin at kumuha lamang ng kayang ubusin. Ayon sa pag-aaral noong 2013, ang bawat Pilipino ay nagsasayang ng 3 kutsarang kanin bawat araw. Kung hindi naaksaya, maaaring mapakain nito ang […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute