Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Gamit ang tablet at smartphone o cellphone, mada-download ng libre ang Binhing Palay App sa Google play. Nilalaman ng Binhing palay app ang nasa mahigit dalawang daang barayti ng palay at ang katangian nito mula sa pribado at pampublikong breeders ng palay. Kabilang sa mga impormasyon makukuha sa binhing palay app ang potensyal na kayang anihin nito, reaksyon ng palay sa sakit at peste, angkop na kapaligirang pagtataniman, kabuuang porsyento […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Ayon sa opisyal na pahayag ng PhilRice, kailangan pa rin mag-angkat ng bigas kahit walang kakulangan. Ang nasabing pag-aangkat ay isang pamamaraan upang mapamahalaan ng maayos ang supply at demand ng bigas at maiwasan ang bigla-biglang pagtaas ng presyo nito. Paglalahad ng PhilRice na may seasonality ang produksyon ng palay. Nasa 23% sa 1st quarter, 21% sa 2nd quarter, 16% sa 3rd quarter, at 40% sa 4th quarter. Ang dagsa […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Tiyak na makakarekober pa ang tatlumpong araw na edad ng palay, atakihin man ito ng mga peste sa palayan! Kaya naman, sikretong paubaya ang diskarte ni Jett Ayver Yamzon ng Bacolor, Pampanga sa tuwing inaatake ng peste ang kanyang palayan sa unang tatlumpong hanggang apatnapung araw na gulang nito. Aniya, sigurado naman siyang makakarekober at magpapalit-dahon pa ang kanyang palay kaya hindi na siya nag-aalala pa. Bukod kasi sa magastos […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Payo ng mga eksperto, gapasin at giikin ang palay sa tamang panahon nang maging maganda ang kalidad ng butil at bigas. Ang sobrang maagang pag-aani ay magdudulot ng pagkasayang ng butil at mas kakaunti ang makukuhang bigas. Samantala, kung atrasado naman ang pag-aani ay maraming butil ang malulugas at kapag giniling ay mas madaling madudurog ang bigas. Kaya naman, mainam na gapasin ang palay kung 85-90% na ng mga butil […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Mabilis at tamang impormasyon sa palayan, subukan ang AgriDoc app gamit ang mobile phone. Sa pagdownload ng AgriDoc app gamit ang internet, hindi na mahihirapang magkompyut ang ating mga magsasaka sa dami ng patabang kailangang ilagay. Tampok din sa AgriDoc app ang pagkakaroon ng organisadong talaan ng mga gawain at gastos sa palayan. Kung kaya’t madali nang makompyut ang kabuuang gastos maging ang inaasahang kita. Bukod pa diyan, mayroon ding […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Isang Joint Declaration on Agriculture Cooperation ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Papua New Guinea sa Malacañang. Kasunod nito, inaasahang 60,000 Pinoy ang maaaring mabigyan ng trabaho sa Papua New Guinea. Ito ang naging pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa kanyang pagbisita sa PhilRice Nueva Ecija kahapon. Aniya, agriculture graduates, farm machine operators at skilled farmers ang nakikitang magbebenipispyo sa naturang kasunduan. Nilinaw ni Piňol na tanging technical […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Bukod sa magastos ang pagtatanim ng sobra-sobrang binhi sa palayan, nagiging maikli ang mga uhay ng palay dahil sa pag- aagawan sa pataba o abono. Hindi lang yan, mas madali pang atakihin ng brown plant hopper o kayumangging ngusong kabayo ang palayan sanhi ng makakapal na puno. Kaya naman ang resulta, mababang ani at mas malaking gastos! Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, sapat na ang 40 kilong inbred seeds […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Limang araw na nagsanay ukol sa pagpaparami ng dekalidad na binhi ang mga magsasakang siyentista at local farmer-technicians mula sa iba’t-ibang rehiyon ng Luzon at CARAGA nitong nakaraang buwan. Ayon sa mga eksperto ng PhilRice, maaaring magkaroon ng 5-20% dagdag ani ang mga magsasaka kapag puro ang binhing ginamit. Mas mataas din ang porsiyento ng pagsibol nito at malulusog ang mga tutubong halaman. Dagdag pa diyan, mas matitibay ang mga […]
Posted by philrice-admin Jul - 8 - 2020
Payo ng mga eksperto, gapasin at giikin ang palay sa tamang panahon nang maging maganda ang kalidad ng butil at bigas. Ang sobrang maagang pag-aani ay magdudulot ng pagkasayang ng butil at mas kakaunti ang makukuhang bigas. Samantala, kung atrasado naman ang pag-aani ay maraming butil ang malulugas at kapag giniling ay mas madaling madudurog ang bigas. Kaya naman, mainam na gapasin ang palay kung 85-90% na ng mga butil […]
Posted by philrice-admin Jul - 8 - 2020
Apela ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang pagdedeliber at pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka sa kabila ng ipinapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang lugar sa bansa. Hinimok ni Flordeliza H. Bordey, PhilRice deputy executive director for special concerns ang mga gobernador, mayor at mga agriculturist na tanggapin ang hamon na ito mula sa Rice Competitiveness […]