Mabilis at tamang impormasyon sa palayan, subukan ang AgriDoc app gamit ang mobile phone.

Sa pagdownload ng AgriDoc app gamit ang internet, hindi na mahihirapang magkompyut ang ating mga magsasaka sa dami ng patabang kailangang ilagay.

Tampok din sa AgriDoc app ang pagkakaroon ng organisadong talaan ng mga gawain at gastos sa palayan. Kung kaya’t madali nang makompyut ang kabuuang gastos maging ang inaasahang kita.

Bukod pa diyan, mayroon ding rekomendasyon upang tumaas ang ani at kita sa pagsasaka. Maaari ring magmonitor ng iyong palayan gamit ang satellite images mula sa Google map.

Ang Agri Doc app ay nagsisilbing gabay ng ating mga magsasaka, extension workers, at researchers sa pamamahala ng palayan! Ito ay libreng mada-download sa Google PlayStore. Pagkadownload ng AgriDoc app, magagamit mo na ang iba’t-ibang services nito kahit walang internet.

Kaya naman, magdownload na ng AgriDoc app para sa mas mabilis at tamang impormasyon sa pamamahala ng palayan.

Para sa karagdagang impormasyon sa paggamit ng AgriDoc App, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0920 911 1398.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute