Hindi totoong maiiwasan ang pagdami ng peste sa pag-iisprey ng pamatay-peste. Paalala ng mga ekperto na gamitin lamang ang pestisidyo bilang corrective measure at hindi bilang pang-iwas sa mga ito.
Ayon sa mga ekperto, gumamit lamang ng pestisidyo kung ang dami ng mga peste ay hindi pa ikalulugi ng magsasaka. Mainam rin na gumamit lamang ng pinakaka-unting dami ngunit may sapat pa ring bisa.
Tandaan, ang maling paggamit ng pamatay-peste ay maaaring magdulot ng mga batik at pangungulot sa dahon, at pagkabansot. Isa rin ito sa sanhi ng pagkakaroon ng tibay ng mga peste sa pestisidyo.
Maaari ring maging sanhi ng pagkamatay ng tao, hayop, at mga kaibigang kulisap sa kadahilanang ang pamatay-peste ay madaling naikakalat ng hangin at patubig.
Ugaliing magsuot ng mga gamit pananggalang tuwing mag-iisprey o gagamit ng lason. Sundin lagi ang mga rekomendasyong nakasaad sa lalagyan ng lason.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.