Ang sobrang paglalagay ng pataba tulad ng nitroheno ay nakapagpapalambot ng puno ng halamang-palay. Kung kaya’t madaling mabutas ng mga pesteng kulisap ang malambot na puno ng palay. 

Dagdag pa diyan, nagiging sobra ang pagkaberde ng palay na nakakaenganyo sa mga peste. Nagiging malambot din ang puno ng palay kung kaya’t madaling magasgas ang mga dahon na sya namang pinapasukan ng mga sakit tulad ng blast, sheath blight, stem rot, sheath rot, bacterial leaf streak, at bacterial blight. Samantala, aksip, berdeng ngusong kabayo, at kayumangging ngusong kabayo ang pesteng maaaring sumalakay sa palayang sobra sa nitrheno.

Ipinapayo ng mga eksperto na gumamit ng Leaf Color Chart nang malaman kung sapat o kulang ang nitroheno sa palayan base sa kulay ng mga dahon ng palay.

Tandaan, sa paglalagay ng abono o pataba, siguraduhing ito ay sa tamang panahon, dami, at uri ng ilalagay.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute