Bagamat maraming gulay at prutas sa Pilipinas, hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang bumili o makakuha ng mga pagkaing ito. 

Ayon sa surbey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI, kanin ang pinakamadalas kainin ng mga Pilipino kumpara sa prutas o gulay sa bansa. Ang kamatis ay nasa pang- labinlima sa listahan samantala nasa labing-walo naman ang talong. 

Liban pa dito ang palay ay malawakang itinatanim sa bansa. Ito ay itinatanim maging sa mga lugar na mahirap marating ng ibang mga pamamaraan sa pagsugpo ng kakulangan ng bitamina A. Kung kaya’t sinasabing malaki ang potensyal ng Golden Rice na makatulong sa pagsugpo sa kakulangan ng bitamina A. 

Ang Goden Rice ay dinebelop upang maging karagdagang tugon sa kakulangan ng bitamina A. Base sa huling surbey ng FNRI noong 2013, mula 1.7 milyon ay umabot na sa 2.1 milyong kabataan, edad anim na buwan hanggang limang taong gulang, ang may kakulangan sa bitamina A sa ating bansa. Dagdag pa nito ang 9% na mga buntis at 5% na mga nagpapasusong ina na may kakulangan din sa bitamina A. 

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pag-aaral sa Golden Rice alinsunod sa mga batas na itinalaga ng pamahalaan.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute