Tuwing Nobyembre, ginugunita natin ang National Rice Awareness Month. Para sa taong 2018, ang tema ng ating selebrasyon ay ang ugnayan ng magsasaka at konsyumer nang makamit ang kasaganaan o quality life.

Hinihikayat ang mga konsyumer na huwag mag-aksaya ng kanin at kumuha lamang ng kayang ubusin. Ayon sa pag-aaral noong 2013, ang bawat Pilipino ay nagsasayang ng 3 kutsarang kanin bawat araw. Kung hindi naaksaya, maaaring mapakain nito ang 4.6M Pilipino sa loob ng isang taon. Kaya huwag mag-aksaya ng kanin!

Maaari ring subukang kumain ng brown rice at rice-corn blend bukod sa palagiang puting kanin. Ang brown rice o pinawa ay butil na inalisan ng balat o ipa. Ang natirang balat ng butil ng bigas o tinatawag na darak ay mayaman sa protina, fiber, vitamins, minerals, at antioxidants. Ang pagkain ng brown rice ay tumutulong sa pag-iwas sa pagkakaron ng diabetes, cancer, cardiovascular diseases at high blood. Mas mataas din ng 10% ang milling recovery ng brown rice kumpara sa puting kanin. Ibig sabihin, mas madami ang magiging bigas nito kapag nagiling.

Samantala, ang pagkain ng pinagsamang kanin at puting mais o rice-corn blend ay mas madaling makabusog at masustansiya. Dagdag pa diyan, ito ay mas mura kesa sa karamihan ng bigas sa merkado. Bawat kilo ng rice-corn blend ay nasa P38 lamang. 

Kaya naman, tangkilikin nating mga konsyumer ang brown rice, rice corn blend,at iba pang alternatibong pagkain tulad ng saba, kamote, at mais bukod sa puting kanin.

Bilang mga konsyumer, pahalagahan din natin ang ang ating mga magsasaka na syang nagpo-prodyus ng kanin na ating kinakain. Pasalamatan natin sila!

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute