Nang makaseguro sa pagpapalay, siguraduhing may crop insurance ka!

Sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), masalanta man ng bagyo o atakihin ng peste ang iyong palayan, hindi tuluyang malulugi at mawawalan ng pag-asa ang mga magsasaka sa pagtatanim.

Sa pag-aaplay ng crop insurance, kailangang magsumite ng application form na may impormasyon tungkol sa magsasaka at sa kaniyang taniman. Upang makakuha ng kopya ng form na ito, maaaring sumangguni ang mga magsasaka sa tanggapan ng PCIC, o sa municipal agriculturist office sa kanilang lugar.

Isa sa mga kondisyon sa pagkuha ng insurance ay dapat rehistrado ang magsasaka sa RSBSA. Prayoridad ang mga may hawak na 1.5 ektarya pababa, kasunod ang mga 1.5-2 ektarya, at pangatlo naman ang mga may 2-3 ektarya.

Kapag hindi naman rehistrado sa RSBSA ang magsasaka, maaaring kumuha ng certificate mula sa kanilang MAO na magpapatunay sa lawak ng sakahan na mabibigyan ng insurance.

Kapag nasalanta ang mga pananim, matatanggap ng magsasaka ang kaukulang halaga ng insurance kapag nakapagbigay ito ng notice of loss sampung araw pagkatapos ang pagkasira ng pananim. Mababayaran ng PCIC ang magsasaka sa nasalanta nitong sakahan kapag nakapagsumite na ang magsasaka ng claim for indemnity.

Ang PCIC, katuwang ang mga agriculture technologists, ay nagsasagawa ng monitoring at inspeksyon ng mga naka-insure na sakahan. Umaabot sa halagang P20,000 kada ektarya ang maaaring makobra mula sa insurance.

Maliban sa palay, may insurance din ang PCIC para sa high-value crops, livestock, at fisheries.

Para sa karagdagang impormasyon, magpunta lamang sapinakamalapit na opisina ng PCIC o magpatulong sa agriculture office sa inyong lugar.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute