Ang negosyanteng magsasaka naglilista ng mga pumasok at lumabas na pera sa kanyang pagsasaka. Sa ganitong paraan, mas madaling matutuos kung magkano ang naging kita sa pagpapalayan.

Sabi nga nila ay natural na makakalimutin ang tao kung kaya ipinapayong ilista na agad ang mga naging gawain sa bukid. Sa paglilista, nalalaman kung magkano ang pumasok na pera, magkano ang lumabas, at paano ginastos ang iyong pera.

Makikita rin sa iyong listahan kung gaano karaming inputs tulad ng pataba at binhi ang iyong nagamit sa iyong palayan. Malalaman mo rin ang presyo ng iyong pinagbentahang produkto at mga inputs na ginamit. Sa paglilista, malalaman mo kung kumikita o palugi ang iyong pagsasaka. Mas madali ka na ring makakapagdesisyon kung ano ang mainam na ibenta at bilhing produkto. Sa iyong paglilista makikita ang dami ng iyong naging ani sa paglipas ng panahon.

Para sa mas epektibong resulta, gawing simple, organisado at sakto ang paglilista, at itala agad ang mga gastusin sa bawat gawain na isinakatuparan sa bukirin. Magkaroon ng maayos na listahan o notebook sa paglilista ng mga datos mula sa ginawang pagsasaka o negosyo. Dito itatala kung anong enterprise o produkto ang tanim, luwang ng sakahan, dami ng aktuwal na ani; gastos sa paggawa o labor records kung saan nakalista ang petsa ng mga gawain, bilang ng manggagawa, bilang ng araw sa paggawa, at kabuuang araw ng pinagtrabahuhan; inputs at material records kung saan nakalista ang mga ginamit sa bukid tulad ng pataba, petsa kung kailan binili, dami ng binili, presyo kada bag, at kabuuang halaga; non-cash costs o gastos na hindi pera (in-kind) tulad ng upa sa thresher/harvester at buwis sa lupa; home consumption record o listahan ng mga inilaan para sa bigas at binhi, at iba pang gastusin. Sa kabuuan ng gagawing paglilista, makikita ang cash inflow record o listahan ng mga pumasok na pera; cash outflow record o listahan ng mga nagastos; at matutuos ang kabuuang gastusin at kita o cost and return analysis sa pagpapalayan. 

Ugaliing maglista nang iyong mapatunayan kung ikaw ay kumikita o nalulugi sa iyong pagsasaka.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute