Gamit ang android smart phone, pwede nang madownload ang LCC App o Leaf Color Computing App sa Google Play Store. Ang LCC App ay ginagamit upang masukat ang antas ng pagkaberde ng kulay ng dahon na may kaugnayan sa taglay nitong nitroheno. Sa paggamit nito, magagabayan ang mga magsasaka kung kailangan na bang maglagay ng nitroheno sa palayan.

Simple lang ang paggamit ng LCC App, ilapat sa front camera ng smartphone ang dahon ng palay na natatamaan ng liwanag ng araw bago kuhanan ng larawan. Tiyaking makuhanan ng litrato ang labindalawang pinakamataas, malusog, at bukang dahon mula sa labindalawang puno ng halaman na may layong dalawang metro sa isa’t-isa. Gawin ito tuwing ikawalo hanggang ikasiyam ng umaga. Iwasang matakpan ng sarili ang camera ng cellphone nang masigurong tama ang pagsuri ng LCC App sa dahon. Ulitin ang pagkuha ng litrato kada linggo. Pagkatapos makakuha ng mga litrato ng dahon, buksan ang LCC App at sundin ang simpleng panuto sa paglalagay ng mga kinakailangang impormasyon.

Ayon kay PhilRice senior researcher Ailon Oliver Capistrano, kaya ng LCC App na makapagbigay ng rekomendasyon sa pataba sa loob lamang ng isang minuto. Dagdag ni Capistrano, hindi kailangang mahal na smartphone ang bilhin upang makagamit ng LCC App dahil 5 megapixel front camera lang ay sapat na upang makakuha ng tamang rekomendasyon. 

Ginawa ang naturang mobile app para sa mga magsasaka, extension workers, researchers, at mga estudyante. Ito ay hango sa Leaf Color Chart o LCC, isang plastic na ruler na may apat na antas ng pagkaberde na inihahambing sa kulay ng dahon ng palay sa bukid. 

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalayan, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. I-follow din ang PhilRice facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute