Maulan man, pwede pa rin magpatuyo ng palay gamit ang flatbed dryer. 

Kaya ng flatbed dryer na magpatuyo ng butil ng palay, kape, legumes, at iba pang pananim o produkto na kailangang ipatuyo. Eksakto ang temperatura at napapanatili ang tamang init sa pagpapatuyo ng palay.  

Ang ipa ang siyang ginagamit na panggatong sa flatbed dryer. Nasa walo hanggang sampung oras lamang ay kaya nang patuyuin nito ang anim na toneladang palay. Samantala, ang mga butil ng palay na nalubog sa tubig ay aabutin lamang ng labing-apat hanggang labing-anim na oras na pagpapatuyo.

Paalala ng mga eksperto na huwag hayaang basa ng tubig ang mga naani nang butil. Ang basang butil ay magiging sanhi ng pagbaba ng kalidad ng ani at antas ng pagtubo, at pangingitim ng bigas. Ito rin ang dahilan ng pagtubo ng amag, at mababang presyo ng bilihan ng palay.

Mayroon ding tinatawag na reversible airflow dryer kung saan ang mga butil sa higaang tuyuan o drying bin ay hindi na kailangan pang haluin.

Para sa karagdagang impormasyon sa flatbed dryer, mag-text o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute