Umabot na sa 1.25 milyong bags na certified inbred seeds ang naipamahagi na ng PhilRice sa humigit kumulang kalahating milyong magsasaka. Tinatayang mahigit sa 600,000 ektarya ang nataniman ng naipamahaging binhi. Ang nasabing pamamahagi ay nagsimula noong Oktubre 2019 hanggang katapusan ng Enero 2020.

Ang pamimigay ng libreng binhi ay aabot sa loob ng anim na taon kada taniman. Para sa tag-ulan na sakahan ngayong 2020, magsisimulang muli ang bigayan ng binhi ngayong buwan ng Marso.

May 40 techno-demo rin ginawa sa mga target na lalawigan upang ipakita ang paggamit ng tamang pamamahala ng palay at ng mapataas ang ani.

Samantala, nakahanda rin ang PhilMech na magpamahagi ng mga makinaryang pambukid sa mga eligible na organisasyon ng mga magsasaka ngayong unang quarter ng taon. Nagsisimula na rin ang ATI at TESDA kasama ng PhilRice PhilMech sa mga pa-training para sa mga magsasaka. Bukas na rin ang Land Bank at DBP sa mga pagpapautang sa mga magsasaka.

Maliban sa RCEF ay tuluy-tuloy pa rin ang mga regular na programa ng Kagawaran ng Agrikultura para sa mga magsasaka nang mapalakas pa ang kanilang kakayahang umani ng mataas at mapababa ang gastos sa produksyon ng palay.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute