Apela ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang pagdedeliber at pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka sa kabila ng ipinapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon at iba pang lugar sa bansa.

Hinimok ni Flordeliza H. Bordey, PhilRice deputy executive director for special concerns ang mga gobernador, mayor at mga agriculturist na tanggapin ang hamon na ito mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program upang masiguro ang suplay ng bigas sa bansa.

Aniya, nagpalabas na ang ahensya ng protocol sa mga gagawing atkibidad alinsunod sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Dahil ipinagbabawal ang mass gathering tuwing pamamahagi ng binhi, maaaring makuha ng mga magsasaka ang binhi sa oras na maluwag sa kanila ayon sa nakatakdang araw mula sa mas pinarami at pinalapit na mga drop-off points.

Ayon sa protocol, dapat sundin ng implementing agencies ang physical distancing tuwing distribusyon ng binhi nang makaiwas sa pagkalat ng sakit.

Pinapayagan din ang pagkuha ng binhi ng authorized representative kasama ang proof of receipt forms, Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) stubs, valid IDs, at pirmadong authorization letter.

Hinihikayat rin ang mga magsasagawa at pupunta sa aktbidad na magsuot ng mask, gumamit ng sanitizers, at i-check ang body temperature.

Samantala, hinangaan ng DA-PhilRice ang ginawang hakbang ng LGU Isulan sa probinsya ng Sultan Kudarat sa paghahatid ng libreng binhi sa mismong bahay ng mga magsasaka.

Ayon kay Ommal Abdulkadil, PhilRice Midsayap RCEF Focal Person, mabilis ang tugon LGU Isulan sa kanilang hiling na ipagpatuloy ang pamamahagi ng binhi sa kabila ng ipinapatupad ng enhanced community quarantine sa buong probinsya.

Sa ilalim ng RCEF-Seed Program, nagsimula noong Marso ang pamamahagi ng binhi para sa early planters sa mga rehiyon sa 3, 5, 6, 9, 10, at 12. Para sa tag-ulan, tinatayang 1.2 milyon na magsasaka ang makakabenepisyo sa 2.5 milyong sako ng certified inbred seeds.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute