Posted by Minard Pagaduan Mar - 11 - 2025
Kapag laging lubog sa tubig ang palayan, nawawalan ng oxygen ang lupa, kaya nabubuo at nailalabas ang methane gas sa himpapawid. Ang methane ay isang uri ng gas na nagpapainit sa mundo na nagdudulot ng global warming o climate change. Sa proyektong sinimulan ng Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) katuwang ang Sagri Company Limited ng Japan at National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) Division 1 Nueva Ecija, […]
Posted by Minard Pagaduan Mar - 6 - 2025
Mas maraming magsasakang Pilipino ang inaasahang makikinabang sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031, matapos amyendahan ang Rice Tariffication Law (RA 11203) sa bisa ng Republic Act 12078. Ang programang ito, na nagsimula noong Setyembre 2019, ay magpapatuloy upang palawigin ang suporta para sa sektor ng pagsasaka ng palay. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ito ay magtitiyak ng mas matibay na suporta para sa mga magsasaka. Sa […]
Posted by Yobhel Louisse Beltran Jul - 17 - 2024
Para sa tag-ulan na taniman, inilunsad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program ang proyekto na PalaySikatan 2.0, ito ay mas pinalawak na technology demonstration sa mga piling lugar. Sa PalaySikatan 2.0, ang mga rekomendadong binhi ng inbred na barayti kasama na ang iba pang makabagong teknolohiya sa pagsasaka ay ipapamalas sa mga palayan na may lawak na 50 ektarya kada site. Kada season, ang PalaySikatan 2.0 ay isasagawa […]
Posted by Yobhel Louisse Beltran May - 31 - 2024
Inanunsyo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Seed Program na magpapamahagi ito nang higit 2.5 milyong sako ng dekalidad na libreng binhi sa mahigit na 1 milyong magsasaka sa 78 na target na probinsya sa bansa ngayong wet season. Base sa datus nang Rice Seed Monitoring System, umabot na sa halos 1,170,000 sako ng libreng dekalidad na binhi ang naipamahagi na sa 73 probinsya. Nasa 390,000 dito ang natanggap na ng […]
Posted by philrice-admin Apr - 23 - 2024
Mataas na ani at kita sa mababang gastos na pagpapalayan, ibibida sa Lakbay Palay ng DA-PhilRice, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa Marso 20-21, 2024. Bukod sa pagpapakita ng mga teknolohiya sa pagpapalayan, magkakaroon din ng malayang talakayan sa pagitan ng mga magsasaka at mga eksperto upang masolusyunan ang mga karaniwang problema ng mga magsasaka sa palayan. Ibibida rin ang ilan sa mga natatanging nagawa ng PhilRice bilang tugon […]
Posted by philrice-admin Apr - 23 - 2024
Bilang pagkilala sa natamong pinakamataas na produksyon ng palay sa bansa na umabot sa 20.06 million metric tons nitong taong 2023, nagsagawa ang DA-PhilRice ng rice paddy art sa FutureRice farm. Ito ay nagsisilbing pagsaludo sa isinasagawang pagsisikap upang mapataas ang ani ng ating mga magsasaka. Sa pagsasagawa ng rice paddy art na ito, nakilahok ang 70 PhilRice staff gamit ang dalawang barayti ng palay na PSB Rc10 at tradisyunal […]
Posted by philrice-admin Jul - 5 - 2022
Ayon sa mga eksperto na sa pagtatanim ng hybrid rice, halos nasa P100,000 ang karaniwang kita bawat ektarya sa hybrid rice. Sa pagtatanim ng hybrid rice tulad ng Mestizo 1 at Mestiso 20, siguraduhing bago at tama ang dami ng binhing itatanim. Sapat na ang 15-18 kilong binhing hybrid kada ektarya. Payo ng mga eksperto, ibabad ang binhi nang 12-24 oras sa umaagos na may malinis na tubig. Kung ibababad […]
Posted by philrice-admin Jul - 5 - 2022
Ayon sa Presidential Decree No. 491, ang buwan ng Hulyo ay naideklara bilang buwan ng nutrisyon. Sa temang “New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon”, ipinapayong sama-sama nating palakasin ang ating mga katawan lalo na ngayong may COVID-19 virus pa rin. Upang maging malakas ang katawan, mainam na kumain ng mga masusustansiyang pagkain at palagiang mag-ehersisyo, pahayag ni Evelyn H. Bandonill, Supervising Science Research Specialist ng PhilRice. Paalala ni […]
Posted by philrice-admin Jul - 5 - 2022
Paalala ng mga eksperto na palagiang i-monitor ang bukid upang maging handa sakali mang atakihin ng mata-mata o rice blast. Tinamaan ng blast ang palayang nagkakaroon ng spots o mata-mata sa dahon na hugis diamante na medyo mapula ang gilid at abuhin ang gitna. Sa panahon naman ng pamumulaklak at paglalaman, inaatake ng amag ang batok ng uhay na sanhi ng pagkamatay ng uhay ng palay na tinatawag din na […]
Posted by philrice-admin Mar - 26 - 2021
Hinihikayat ng DA-PhilRice ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang paglalagay ng wastong tatak, karatula, o label sa pagbebenta ng bigas. Ayon sa National Food Authority o NFA, ang wastong label ng bigas ay dapat na naglalaman ng presyo at klasipikasyon kung ang binebentang bigas ay regular milled, well-milled, premium grade, o special rice. Mahalaga rin na nakasaad kung ang bigas ay lokal o imported. May karampatang kulay din […]