Ayon sa opisyal na pahayag ng PhilRice, masasabi nating may rice security ang ating bansa kung ang bigas na mahusay ang kalidad at ligtas kainin ay may sapat na supply o available, madaling mabili sa mga suking tindahan o accessible, sa murang halaga o affordable, sa lahat ng panahon. Samantala, sa self-sufficiency, maaring maging available at accessible ang lokal na bigas, pero kung mas mahal naman ito, nawawala ang elemento […]

Categories: Broadcast Releases

Ilulunsad ng DA-PhilRice ngayong Oktubre ang pilot-test ng Binhi e-padala, isang digital voucher system na magpapadali at magpapabilis sa paraan ng pamamahagi ng certified inbred seeds sa mga magsasaka. Ang programang ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF-Seed Program katuwang ang PayMaya Philippines Inc., Nueva Ecija Seed Growers Multipurpose Cooperative, at Development Bank of the Philippines. Kabilang ang Nueva Ecija at Tarlac sa mga probinsyang maglulunsad […]

Categories: Broadcast Releases

Umpisa na nga ang pamimigay ng certified seeds ngayong tag-ulan! Makatatanggap ng libreng dekalidad na binhi ang mga magsasaka sa mga lungsod o bayan na sakop ng programa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund basta’t rehistrado sa Registry System on Basic Sectors in Agriculture o RSBSA. Depende sa laki ng lupang sinasaka ang dami ng binhing matatanggap. Ang isang magsasaka ay maaring makatanggap ng 1 sako na may 20 kilo sa […]

Categories: Broadcast Releases

Nang masigurong tuluy-tuloy ang produksyon ng palay sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at sa iba pang lugar sa Pilipinas, ang DA – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ay magpapatuloy sa pagdedeliber at pamamahagi ng binhi para sa mga magsasakang maagang magtatanim ngayong wet season. Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), makatatanggap ng libreng binhi ang mga magsasakang magtatanim simula sa huling linggo […]

Categories: Broadcast Releases

Kinakailangan na panatilihin ang kalinisan ng mga pilapil, kanal, at paligid ng bukid upang walang mapagtaguan ang mga daga. Dapat din na bawasan o paliitin ang lapad ng pilapil upang hindi ito paglunggaan ng mga daga. Ipinapayo din na buhusan ng magkahalong putik at tubig ang kanilang lungga upang mapamahalaan ito. Kung ang paninira ng daga ay umaabot ng 40% o halos kalahati na ng ating taniman ay mainam gumamit […]

Categories: Broadcast Releases

Sa paggamit ng dekalidad na binhi, tinatayang aabot sa 5-20% ang dagdag kita. Kaya naman, hinihikayat ng PhilRice na gumamit ng dekalidad na binhi. Dagdag ani na, dagdag kita pa! Dekalidad na maituturing ang binhi kung nanggaling ito sa mga rehistradong seed growers at dumaan sa pagsusuri ng National Seed Quality Control and Services. Ang mga ito ay may kalakip na certification tag. Maaari ding delakidad ang binhi ng mga […]

Categories: Broadcast Releases

Ayon sa opisyal na pahayag ng PhilRice, kailangang mapataas ang ani kada ektarya at mapaliit ang gastos ng mga magsasaka upang maging competitive. Inaasahang magiging competitive ang mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng mataas na kalidad ng binhi tulad ng hybrid at mga certified inbred seeds. Kailangan din ng tamang crop management practices tulad na paglalagay ng akmang dami ng pataba sa tamang panahon pati na ang tamang pamamahala […]

Categories: Broadcast Releases

Ngayong tag-ulan, ipinapayo ng mga eksperto na makapagtanim na ng palay sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo para saktong nagpapahinog na lang o naani na ang palay bago dumami ang puti at dilaw na aksip o stemborer. Babala ng mga eksperto ng PhilRice na huwag maglagay ng sobrang nitroheno sa palay. Ang palayang bugbog sa nitroheno ay nakapagpapatagal sa pagkahinog at sobrang pagyabong ng dahon kung kaya’t nagiging kaakit-akit ang […]

Categories: Broadcast Releases

Higit isang milyong sako ng certified inbred seeds, naideliber na ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para sa mga magsasaka sa iba’t-ibang probinsiya ng bansa. Ang libreng certified seeds ay libreng natatanggap ng mga magsasaka para sa taniman ngayong wet season o tag-ulan. Sa kabila ng kinakaharap na Covid 19 ay nakapagdeliber pa rin ang RCEF ng halos 1.5 bags sa tulong ng lokal na pamahalaan. Ito ay kumakatawan […]

Categories: Broadcast Releases

Aprubado ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panukala ng Kagawaran ng Agrikultura na payagan ang mga magsasaka at mangingisda na ipagpatuloy ang mga gawain sa bukid basta’t tiyakin lamang na malusog ang kanilang pangangatawan. Ito ay upang masigurong sapat ang suplay ng pagkain sa bansa. Ayon sa kautusan na ipanalabas ng kagawaran noong March 24, lahat ng magsasaka at mangingisda sa bansa ay hindi kasali sa home […]

Categories: Broadcast Releases
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute