Ngayong tag-ulan, ipinapayo ng mga eksperto na makapagtanim na
ng palay sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo para saktong
nagpapahinog na lang o naani na ang palay bago dumami ang puti at
dilaw na aksip o stemborer.

Babala ng mga eksperto ng PhilRice na huwag maglagay ng sobrang
nitroheno sa palay. Ang palayang bugbog sa nitroheno ay
nakapagpapatagal sa pagkahinog at sobrang pagyabong ng dahon
kung kaya’t nagiging kaakit-akit ang palay sa stemborer. Nagiging
dahilan din ito ng paglambot ng puno kung kaya madali itong
matumba.

Sakali namang may nakikita ng aksip, alamin muna ang populasyon
ng paru-paro at ang mga itlog nito sa bukid bago maglagay ng
insektisidyo. Tandaan na mahirap kontrolin gamit ang insektisidyo
ang mga uod nito dahil nasa loob ng puno ang mga uod.

Maaaring laliman ang tubig sa palayan paminsan-minsan para
malubog ang mga itlog na nasa puno ng palayan.

Hinihikayat ang bawat magsasaka na pangalagaan ang mga kaibigang
kulisap gaya ng putakti, gagamba, pagong-pagongan, tutubi, pati na
ang mga pathogens o sakit na umaatake sa mga uod ng aksip.
Hanggat maaari huwag munang mag-spray ng lason kung nasa 30-40
araw pa lang ang tanim.

PhilRice Central Experiment Station, Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija, Philippines
Email: prri.mail@philrice.gov.ph ¤ Trunkline: (044) 456-0277 ¤ Telefax: (044) 456-0112, 0648 ¤ PhilRice Text Center: 0920-911-1398
Website: www.philrice.gov.ph | www.pinoyrice.com ¤ Liaison Office: 3rd Flr, ATI Bldg., Elliptical Road, Diliman, Quezon City ¤ Tel: (02) 920-5129

Rice-Secure Philippines
PHILIPPINE RICE RESEARCH INSTITUTE
CENTRAL EXPERIMENT STATION

Para sa karagdagang impormasyon, mag-text o tumawag sa PhilRice
Text Center bilang 0917 111 7423. Uulitin ko po, 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute