Higit isang milyong sako ng certified inbred seeds, naideliber na ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para sa mga magsasaka sa iba’t-ibang probinsiya ng bansa. Ang libreng certified seeds ay libreng natatanggap ng mga magsasaka para sa taniman ngayong wet season o tag-ulan.

Sa kabila ng kinakaharap na Covid 19 ay nakapagdeliber pa rin ang RCEF ng halos 1.5 bags sa tulong ng lokal na pamahalaan. Ito ay kumakatawan sa mahigit 50% ng 2.5 milyon sako ng inbred certified seeds na target maipamigay ngayong tag-ulan.

Sa kabuuan, 738 munisipyo sa loob ng 53 lalawigan ang nahatiran na ng binhi hanggang katapusan ng Mayo. May 996 munisipyo at 55 lalawigan ang tinatayang maabot ng RCEF Seed Program ngayong tag-ulan. Inaasahang isang milyong magsasakang Pilipino ang makikinabang sa nasabing certified inbred seeds.

Ang certified inbred seeds ay puro, bihira ang halong buto ng damo, matibay laban sa sakit, pare-pareho ang laki at hugis ng buto, at 85% pataas ang antas ng pagsibol. Sa tamang paraan ng pagtatanim ng certified inbred seeds, maka-aasahang may 10% o higit pang dagdag ani kumpara sa karaniwang binhing itinatanim. 

Kaya naman, ipinapayo sa ating mga magsasaka na gumamit ng certified seed ng rekomendadong variety sa inyong lugar upang masigurong dekalidad ang binhing itatanim na makapagbibigay ng mataas na ani at kita.

Ang RCEF program na nagsimula ng 2019 ay mananatili sa loob ng anim na taon hanggang 2024. Kada taon ay may 10 bilyong pisong budget ang RCEF para sa mga magsasaka. Ito ay binuo upang mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka at ng makasabay sa pagpasok ng imported na bigas sa bansa. Tatlong bilyon dito ay nakalaan para sa RCEF-Seed Program na pinapamahalaan ng PhilRice. 

Inaasahan na sa tulong ng RCEF sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng binhi, pagpapalawak ng kaalaman ng ating mga magsasaka, at pamimigay ng makinang pansaka ay magiging competitive ang ating mga magsasaka kung saan kayang-kaya nang makipagsabayan ng bigas Pinoy sa dayuhang bigas.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute