Sa Rice Tariffication Law, mura ang bigas at magsasaka ay pinalakas.

Panalo ang konsyumer ng bigas sa pagpapatupad ng rice tariffication law dahil mas abot-kaya na ang bigas! Kumpara sa presyo noong 2018, bumaba ng mahigit dalawang piso kada kilo ang presyo ng well-milled rice sa merkado.

Maging magsasaka ay panalo rin sa pagpapatupad nito dahil karamihan sa kanila ay bumibili rin ng bigas. Bukod pa dyan, ang P10 bilyong taripang malilikom mula sa Rice Tariffication Law ay inilaan sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na siyang mapapakinabangan din ng mga magsasaka!

Ang tatlong bilyon pisong pondo ay mapupunta sa de-kalidad na binhi, limang bilyong piso naman para sa makinang pambukid, isang bilyong piso para sa libreng training, at isang bilyong piso para sa pautang na puhunan sa mababang interes.

Inaasahan na ang mga ayudang ito ay makapagpapataas ng ani at mapababa ang gastos sa produksyon upang makatulong sa magsasaka sa kabila ng nararanasang pagbaba ng presyo ng palay.

Maliban sa RCEF ay tuluy-tuloy pa rin ang mga regular na programa ng Kagawaran ng Agrikultura para sa mga magsasaka nang makayang makipagsabayan sa pagpasok ng imported na bigas sa Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute