Umpisa na nga ang pamimigay ng certified seeds ngayong tag-ulan! Makatatanggap ng libreng dekalidad na binhi ang mga magsasaka sa mga lungsod o bayan na sakop ng programa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund basta’t rehistrado sa Registry System on Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Depende sa laki ng lupang sinasaka ang dami ng binhing matatanggap. Ang isang magsasaka ay maaring makatanggap ng 1 sako na may 20 kilo sa bawat kalahating ektarya o hanggang pinakamataas na anim na sako. Halimbawa, kung ang magsasaka ay may 1 ektarya, makakukuha siya ng 2 sakong binhi. Kung higit naman sa 2.5 ektarya ang lupang sinasaka, pinakamarami na ang anim na sakong binhing matatanggap.

Bukas Marso 12 ang pamimigay ng libreng certified seeds sa Zaragoza, Nueva Ecija. Samantala, Marso 13 naman sa Tiaong Quezon at Salvador, Lanao del Norte.

Samantala, Marso 16 hanggang Marso 17 naman sa Bugasong Antique.

Nakaiskedyul naman ang probinsya ng Misamis Occidental sa Marso 18 sa bayan ng Panaon, Marso 19 sa Jimenez, at Marso 20 naman sa Sinacaban.

Para sa iba pang detalye ng pamimigay ng certified seeds, makipag-uganayan sa pinakamalapit na DA office sa inyong lugar. Paunawa lang na ang iskedyul ng pamamahagi ay maaaring mabago depende sa availability ng binhi at lugar na pagdadausan.

Simula noong Oktubre 2019 hanggang katapusang ng Enero 2020, nakapagpamigay na ang PhilRice ng 1.25 milyong bags ng dekalidad na binhing palay na inbred para sa humigit-kumulang na 0.5 milyong magsasaka. Tinatayang kaya nitong taniman ang mahigit sa 600,000 ektarya.

Magpapatuloy ang pamimigay ng dekalidad na binhi kada taniman sa loob ng anim na taon.

Sa pangunguna ng DA-PhilRice, katuwang ang DA regional field offices at mga lokal na pamahalaan, ang RCEF-Seed Program ay naglalayung mapataas ang ani gamit ang dekalidad na binhi.

Kabilang sa ipinamahagi ang tatlong (3) national recommended varieties tulad ng NSIC Rc 222, 160, at 216; may 2 regional recommend varieties din na akma sa rehiyon na napatunayang maani at matibay sa sakit at peste.

Makapipili ang mga magsasaka sa mga varieties na ito depende sa available na suplay sa araw ng bigayan.

Para sa karagdagang impormasyon, magtext o tumawag sa PhilRice Text Center bilang 0917 111 7423.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute