Isang malaking pagsubok sa akin bilang isang maybahay kung paano ko hahatiin ang oras ko araw-araw para gampanan ang pagiging isang ina, asawa, at guro sa aking mga anak. Kasama na rito ang kaliwa’t kanang gawaing bahay na hindi ko dati araw-araw na ginawa noong wala pang pandemya.  Idagdag pa ang oras na kailangang ilaan tuwing ako ay naka work from home.

Bilang isang kawani ng gobyerno, ang panandaliang pagsuspindi at kawalan ng pampublikong transportasyon nuong nakaraang Enhanced Community Quarantince (ECQ) ay isang malaking hadlang sa aming umaasa sa pampublikong sasakyan para pumasok sa trabaho, lalo na sa mga kasama kong miyembro ng skeletal force ng aming dibisyon.

Sa kabila ng hangarin kong magampanan ang aking tungkulin sa opisina na magpatuloy sa operasyon ang aming proyekto at dibisyon, hindi mawawala ang aking pangamba na baka ako ay makakuha ng virus habang nasa labas o habang nasa trabaho at paano kung mahawaan ko pa ang aking pamilya lalo na noong unang tatlong buwan mula ng mag-ECQ.

Malaking bagay ang buong pananampalataya ko sa Puong Maykapal na nakayanan ko sampu ng aking pamilya ang pagsubok na kaakibat ng pandemya, sa tulong na rin ng aking pamilya. Malaking aral din sa akin ang pandemya, dahil dito ko mas natutunan na magbalanse ng oras, at na mas lalo kong pahalagahan ang aking pamilya at kung ano ang simpleng mayroon kami. Para sa akin, ang mga ito ang siyang pinakamaganda at positibong resulta ng pandemya sa buhay ko. Sa dulo ng lahat ng ito, ang kalusugan natin at ang ating pamilya ang siyang dapat nating pag-ingatan at pahalagahan. Lalaki ka man o babae, ang bawat isa sa atin ay may mahalagang gampanin sa lipunan na hindi maaaring ipagwalang bahala ninuman.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

Philippine Rice Research Institute