Upang makapagbigay ng makakalikasan at mas ligtas na solusyon sa pamamahala  ng damo sa palayan, sinimulan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang field testing ng isang robotic technology mula Japan na kung tawagin ay Aigamorobo. 

Ginagaya  ng Aigamorobo na gawa ng Green Company  ang natural na pagkilos ng aigamo o mga pato na  na ginagamit sa Japan sa pagsugpo ng damo.  

Bilang solar-powered robot, otomatiko itong nag-iikot sa palayan mula alas-sais ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon. Habang gumagalaw, hinahalo ng robot ang tubig sa palayan kaya hindi makakalusot ang sinag ng araw sa ilalim ng tubig. Dahil dito,napipigilan ang paglago ng mga damo. 

Pinakaepektibo ang Aigamorobo sa unang 20 araw matapos ang pagtatanim, kung kailan pinakamabilis tumubo  ang damo. Akma rin ito sa mga palayang may hindi bababa sa 5 sentimetrong lalim ng tubig. Maaari rin itong gamitin sa wet direct seeding na nakatutulong magbawas sa gastusing pambukid.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang New Green Company ng dalawang yunit ng robot para subukan sa Central Experiment Station ng PhilRice sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Magsisimula ang testing ngayong wet season hanggang sa susunod na dry season.

Ayon kay Edwin C. Martin, career scientist at project lead ng PhilRice,  malaking tulong ang teknolohiya para mabawasan ang paggamit ng herbicide na hindi lamang dagdag gastos kundi mapanganib din sa kalusugan ng mga magsasaka at sa kalikasan. Dagdag nya, mababawasan din ang kontaminasyon sa mga patubig mula sa kemikal.  

“Kung mapapatunayang mabisa ang Aigamorobo sa pagpuksa ng damo at mapabutbuti nito ang bulas ng palay, makatutulong ito para mapataas ang ani at mapapababa ang gastusin ng mga magsasaka,” anya. 

Batay sa pag-aaral, ang di nakokontrol na damo ay maaaring magpababa ng ani ng palay ng 44% hanggang 96% dahil sa kompetisyon sa sustansya, tubig, at sikat ng araw.

Sinimulan ang field testing sa huling linggo ng  Marso ngayong taon na ay nasaksihan din ng humigit-kumulang na 700 magsasaka sa naganap na Lakbay Palay sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

SMS checked by: Edwin C. Martin

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


สล็อต
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

DA-PhilRice