
Dahil sa pandemya, madami sa aking gawain ang di ko na magawa o makamit.
Una sa lahat, ang panahon na dapat ay magkakasama kami ng aking pamilya sa pagsalubong ng kapaskuhan at bagong taon at iba pang pagkakataon; ang araw ng Linggo na ilalaan sa pagbisita at pagdarasal; gayundin ang panahon para pagtuunan ng pansin ang sarili pang kalusugan.
Pero kahit gaano kalaki ang kagustuhan ko na makasama sila, ito ay aking tiniis. Sa ngayon, ang tangi ko lang magagawa ay ibayong pag-iingat, pagsunod sa ordinansa, palakasin ang loob ng pamilya, pag-alaga sa sarili, at pananalig sa Poong Maykapal.