Ang yogurt na karaniwan nating kinakain ay kilala bilang magandang pinagkukunan ng bitamina, protina, at good microorganisms na tumutulong sa ating kalusugan. Ngayon, mas pinahusay pa ito! 

Sa tulong ng rice bran mula sa red at black rice, ginawang mas masustansya ang yogurt. Ang rice bran ay mayaman sa dietary fiber, minerals, at phytochemicals.  Ang mga sustansyang ito ay nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan katulad ng paglaban sa mga maliliit na particle sa katawan na maaaring makasira sa ating mga cells. Nakatutulong din ito laban sa pamamaga, cancer, obesity, at diabetes. Dahil sa rice bran, mas tumatagal ang shelf life ng yogurt at hindi ito agad nasisira.

Ayon sa inisyal na pag-aaral, ang pagsasama ng gatas ng kalabaw at rice bran ay nagpapataas ng antioxidant activity ng yogurt — ibig sabihin, mas malaki ang naitutulong nito sa paglaban sa free radicals na sumisira sa ating mga cells. Nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng immune system at pagprotekta sa katawan laban sa mga sakit.Bukod dito, ang dietary fiber ng rice bran sa pagpapanatili ng tamang antas ng blood sugar, pagpapababa ng cholesterol, at pagpapaganda ng ating panunaw. 

Ang masustansyang produktong ito ay bunga ng pagtutulungan ng Rice Chemistry and Food Science Division ng PhilRice, sa pangunguna ni Dr. Henry M. Corpuz, katuwang ang DA-Philippine Carabao Center at Central Luzon State University.

Hindi lamang yogurt, gumagawa rin ang PhilRice ng iba’t ibang masustansyang pagkain mula sa brown rice at bigas na nakatutulong maiwasan ang mabilis na pagtaas ng blood sugar. Kasalukuyang gumagawa ang PhilRice ng ready-to-eat na pagkain na hinaluan ng masustansyang high value crops at sangkap mula sa bigas na maaaring ipamahagi sa mga biktima sa panahon ng kalamidad. 

Ayon kay Dr. Henry M. Corpuz, food technologist ng PhilRice, ang mga pagkain na ito ay tumutugon sa layunin ng pamahalaan na labanan ang undernutrition o pagkabansot at matinding kakulangan sa timbang, micronutrient deficiency o kakulangan sa vitamins at minerals, at labis na timbang o obesity.


Kung may mga katanungan kayo sa pagpapalayan o rice-based products, i-text lamang ang PhilRice Text Center, 0917-111-7423 o i-like at i-follow ang aming Facebook page sa DA-PhilRice.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel - .
How does this post make you feel?
  • Excited
  • Fascinated
  • Amused
  • Bored
  • Sad
  • Angry

Leave a Reply


สล็อต
Philippine Rice Research Institute (PhilRice) is a government corporate entity attached to the Department of Agriculture created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

Learn More

DA-PhilRice