
Bilang isang ama, sinisigurado kong maging malinis ang bahay at bawat isa, mula sa simpleng paghuhugas ng kamay at pag sunod sa mga health protocol. Sinisigurado ko rin na sapat ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa kumakalat na sakit upang ito ay maiwasan. Gingawa ko ding makabuluhan at produktibo ang araw-araw kapag kami ay magkakasama lalo na ngayong quarantine para malimutan ang dinaranas na sakuna.